Tuesday, June 7, 2011

Unang Araw ng Pasukan: The Usual Scenario

Kahapon ay first day of class na nga at obyosly, dahil ako ay mabait kuno ay pumasok sa unang araw nga pasukan. Syempre naman, dala-dala ko ang aking makapangyarihang handy dandy notebook.

Sa unang araw ng pasukan at sa aking pagmumuni ay nagkaroon ako ng iilang obserbasyon. Ang mga sumusunod ay ang mga nailista ko at lahat ay ayon lang sa aking obserbasyon.
________________________________________________________________________________

1. First day of class is no class. Opcors, walang masyadong estudyante at kung marami man ay usually nakatambay lamang sa labas ng classroom. Usually wala ang teacher kaya walang pasok. Siguro iniisip ng mga teachers na walang estudyante. Sabay-sabay nalang kaya nilang isipan nang wala na talagang pasok. haha

2. May ibig sabihin ang pagpasok at hindi pagpasok ng teachers sa 1st day.Kadalasan ay hindi talaga kilala kung sino ang teacher kung kaya't nanlalamig na ang mga kamay ng estudyante kasi di nga nila kilala. Pa'no kung strikto, maldita, mahilig umabsent? Yung mga ganoon. Isa pa sa nakadaragdag sa kaba ay iyong mga teachers na hindi pumapasok sa 1st day.

Usually yung mga teachers na absent sa 1st day of class ay:
a. Pag regular classes na, palaging absent o di kaya'y late
b. Strikto. Binibigyan lang niya kayo ng iilang araw na chance para makapghanda sa kanyang pagto-torture

Pag present on the first day:
a. Present talaga yan sa lahat ng meetings. Wala iyang pinapalampas na oras. Hindi yan male-late. Mas concerned siya sa time na magagamit paglelecture
b. Present palagi yan at dapat ikaw rin dahil may points ang attendance mo!!
c. Waley lang yan. Bluff lang ba. haha

3. Maraming tao...sa labas ng classroom. Ito ay dahil sa:
a. Walang pasok.
b. Hindi ka pa na-eenrol
c. Gusto mo lang tumambay sa school
d. Teacher ka?

4. Bago lahat. New shoes. New bag. New notebooks. New ball pen. New clothes. New na lahat, maliban sa face.

5. Marami pang nagpapa-enrol.
________________________________________________________________________________
Yun lang. May mai-post lang. haha. Batong-bato na ako. Nagpo-post kasi parang simula na ng seryosong klase bukas. Meh assignment pa kami. Di ko pa nareready ang aking self diyan. haha

9 investigated:

tim said...

Waa.. Pag first day talaga wala talagang pasok yan.. Halata na yan dito sa atin.. hehehehe

Xtian said...

@tim:haha. tomoh! Pero may ibang teachers talaga na umeepal, nag-aatendeance kaagad. haha

Xtian said...

*este attendance

Leah said...

Hehe.. dahil sa post na to, nagbalik-tanaw ako .. grade school. Kapag first day of class, wala talagang pasok, pero pumapasok pa rin ako... kasi merong points sa attendance. wahihi!!! then, linis-linis lang yan ng room. And merong assignment of flower gardens. So kapag nauuna ka, mas makakapili ka ng magandang pwesto ng flower garden. hihi.. Para-paraan lang yan.. #lol.

Kapag first day of class, lahat tlaga bago. Kahit ballpen at lapis, new. Lahat na yata.. shoes, bag, uniform, notebooks.. Pero higit sa lahat, meron ding new walis-tingting. hahaha!! Lagi kaming nagdadala nyan every first day of class. Additional points rin. #lol

At since andami pang nag-eenroll, wala pang pasok.. so after ng linis, maglalaro na lang. Yan ang mga perks of being present during the first day of class... Points, assignment of gardens and playtime. hehe..

Xtian said...

@Leah: charot. di ko expect ang pagkakahaba ng comment mo. haha. anyways, ganyan din sa time ko pero wala lang kaming flower garden. Pag may dalang panglinis plus points kaagad. wahaha

Leah said...

Hahaha!! Ganyan ako minsan.. superhaba ng comments, lalo na pag nakakarelate. Feel lang kasing magshayr. bohahaha!!

Sa amin, usong-uso tlga nun ang flower gardens. Extra points pa yun kapag end of class, maganda ang mga flowers at namumukadkad.. so dapat tlga, alagang-alaga. sayang rin kasi ang extra points.. hehe..

Xtian said...

@Leah ulit (haha): di ko expect kasi etong post na to ay parang wala lang, may ma-ipost lang. ganun.

Meron din kaming project tulad niyan pero hindi ako sure kung flowers ba yun, basta plant yun, extra points din kung mabubuhay pa after ilang days. Di ko lang maalala kung aong result nun. haha

roj said...

Nyahaha! Buti nga sa inyo, ganyan! Kami, binigyan ba agad ng CASE STUDY na ipapasa sa 2nd meeting? Waley na waleeeeeey! XD

Xtian said...

@roj:wadap*ak! grabeha gud! well, usa raman ako dili engineering sub. da good thing ana kay dugay manulod ag mga teachers. haha

Post a Comment

Please comment now or else...(nah..nothing's really gonna happen)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...