Friday, June 17, 2011

Tula: "Walang Kasigurohan"

Di na siguro ako lilipad pa nang ganoon ka taas.
Baka ang pagbagsak ko'y ganoon din kalakas.

Di ko tiyak kung itutuloy ko pa ba iyon
Dahil may nasa isip ko na di sang-ayon.

Marahil ay hindi ko na lang iyon papasukin
Kahit na ang pinto na mismo ang lumapit sa akin.

'Pagkat walang puwang sa isang mundo
Na aking papasukin ang takot sa aking puso,

Ang pangamba na lumalamon sa aking pagkatao
Kahit na 'di ko tanto ang kung ano nasa likod ng pinto.

Tako siguro ako kung ano ang kahihinatnan.
'Pagkat lahat ng ito'y wala pang kasigurohan.

-xxx-

3 investigated:

krn said...

isa ka palang makata, kristian (I really love your name, kapangalan mo kasi my beloved brother). galing galing! keep it up!

the green breaker said...

we all have fears.. we just need to be brave enough to get past those even if uncertainty awaits us.. :)

Xtian said...

@krn: ume-emote lang. sana lagi nalang akong nag-eemote kasi nakakagawa ako ng tula. haha

Char! Salamat! As in yung letter "K" talaga ang first letter? Kala ko pa naman rare yung spelling ng name ko. haha

@green breaker:tamah! we have no choice din naman eh. Dun din naman ang punt, kahit na ano pang iwas, ganun pa rin. Mas mabuti pang deretsahan na. haha

Post a Comment

Please comment now or else...(nah..nothing's really gonna happen)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...