Wednesday, June 1, 2011

Gradweyt na Ako!

Lols, naniwala ka naman. Basahin mo nga ito nang malaman mo ang derty letol sikreyt. May tatlong taon pa bago maganap ang aking sinasabi. 3rd year pa ako so ngayong taong ito ay sisimulan ko na ang aking 3 yrs to heaven. Chos!

Enrolled na po ako. Yun talaga ibig kong sabihin. Hyperbole lang yun or SUPER-IDIOM. Yun kasi feeling namin nung friend ko nang ma-STAMPED ENROLLED na yung printout namin. In fairness ha natuwa ako kay ineng/ate kasi parang natola yung beauty niya sa pagtanggal sa mahiwagang staple na inilagay ko sa printout ko. Hindi lang iyon; cute din siya. Syet! Ang cute ng smile niya. (Kung ikaw man ay classmate o coursemate o college mate ko, wag kang masyadong matabil ang dila, nakakahiya)

Anyways, enrolled na nga ako matapos ang isang nakakapagaod at nakakabuwis-buhay na enrollment process. Sa enrollment process ng aming kolehiyo ay ang mga sumusunod ang ilan sa aking napansin:

1. Ang enrollment process ay parang L4D, Left for Dead. Yun yung game na Zombie-zombihan ang theme; pwedeng ikaw ang survivor, pwede ring ikaw ang zombie. L4D kasi sa tuwing magbibigay na ng priority number para ay nag-aagawan kami mga estudyante. Ang survivor ay yung taga-bigay ng priority number at ang zombie ay kaming mga walang awang estudyante.

Syempre nakikisiksik din ako pero dahil nga sa tayo ay isang payatot lamang ay hindi ako nakakalusot. Isa pa, iilan din ang mga Boomers na nakaharang sa daraanan.

Yan si Boomer ng L4D. Imadyenin mo na yan ang nakaharang sa yo. [source]
2. Basta't may pagkain bumibilis ang sistema. Well, hindi naman to napatunayan talaga pero napansin ko lang kasi nang dumating na iyong mga nakapanlalaway na snacks ng faculty eh parang bumilis ata ang pagtawag sa mga priority numbers.

Yan ang fuel nila, yung food. haha [source]

3. Sumali ka kasi sa mga extra-curricular nang ma-exempted ka. Syempre sinasabi ko ito kasi exempted ako sa mga fines nang Engineering Student Government sa amin. Isa lang ang sinabi ko, "Hmm. Kuya, yung kasali sa Himig at Sayaw---" Pinutol bigla ng opisyal at nagsalitang "Ay exempted iyan!" Ahw di hindi ko na kailangan pang lumuhod sa asin, lumuha ng dugo, at halikang mga paa nila para hindi ko bayarang ang bonggang bonggang fines. Kahit na hindi naman talaga sa lahat ng fines ako exempted ay na-exempted ako. Hindi nila napansin. Buwahaha!

4. Sa panahong tulad nito ay lumalabas ang mag "kaibigan", mga long lost "kamag-anak" at iba pa. Uy friend, wag mo akong kalimutan ha? pakikuha ng priority number. Pakikuha ng form. etsiteyra. etsiteyra. Marami kaagad ang mga nakakaalala na friends pala kayo pero kung nagkikita naman kayo sa ibang lugar ay dedmang dedma. Yung iba naman ay nakikisabay pa sa pagbayad ng down payment para hindi madale sa pila. Sabihin mo lang na cousin o ano ba yung iba pa at tumpak! No problemo na.
ang ROOT word
5. Dito rin nawawala ang kai-kaibigan. Bahala kayo sa buhay niyo. Kayo na dumiskarte diyan. haha. Ganito ang sistema dito. Bahala na kung nahuhuli yung kaibigan mo basta ikaw na bahala kung paano ka makakakuha na priority number.

Pero in fairview ha, hindi rin ako katulad nung nasa numero cinco. Iba rin naman kasi yung diskarte ko. haha

In addition, eto yung iskedyul ko.

Ganda noh? Ang hectic ng sked ko pag TTH. Tapos alas sieteng shet pa, wow ang ganda! So pwedeng-pwede ako magpupuyat pag MW. lels

2 investigated:

IAMJOROSS said...

Good Luck sa class... Ako rin enrolled na pero 2nd year pa :)

Xtian said...

@IAMJOROSS:thanks. 2nd year ka pa nga pero sabay pa rin tayo magagradweyt. haha

Post a Comment

Please comment now or else...(nah..nothing's really gonna happen)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...