Saturday, May 7, 2011

Usapang Love

Nagkaroon kami ng pag-uusap sa katabi na kaklase kong babae (na itatago na sa pangalang Lady) sa HIST 41. Medyo natatawa lang ako sa aming pinag-usapan kaya i-she-share ko na lang.
_______________________

Mga alas dose ng hapon nun tapos sai ni Sir Jomy na "I will give you a short break." Extended kasi class namin para wala kaming pasok pagka-Sabado.

Noong mga time na yun, syempre ano pa ba ang ginagawa ko? Eh di ang suminghot sa amoy ng pagkaing dala ng kaklase kong may lahing Aleman (na babae din). Gutom na gutom na rin kasi ako tapos nagdala pa siya ng food. Shet! Amoy na amoy ko pa ang food.

Anyways, bago tayo mapuosnta sa pagka-far out, habang binabasa kunwa;y ko ang pinakamamahal na Noli Me Tangere ni Jose Rizal ay narinig kong nag-uusap yung kaklase kong half-German, yung lalakeng Koreano sa ikod namin at yung isang pinoy na tokayo ko. Nag-uusap sila sa bf/gf tapos may sinabi si German girl na medyo di ko narinig. Sabi ng katabi ko sabi daw ni German girl ay "once pa lang daw siya nagkaroon ng boypren." Medyo di ako makapaniwala pero bago ako magkaroon ng chance na sabihan si German girl nang "Weh? Di nga?"ay may itinanong sa ain si Lady na siyang nagpatindig ng balahibo ko.

Lady: Ikaw, nagka-gf ka na? 


Ako: *smile2x lang*


Lady: May gf ka na? As in? Hindi mo pa na-try?


Ako: It failed. (with sad puppy eyes kuno)


Lady: (tumawa-tawa pa) Haha. (nakalimutan ko kung ano sinabi niya. lol basta ito ata sunod niyang sinabi--->) Ayeeeh!


Ako: Wala. Wala lang yun. Di naman naging kami. High school ek-ek lang yun. Joke2x lang. May something pero basta loooooooong story.


Lady: eh pero namang iba na nahihirapan talaga. May iba nga na nagpapakamatay nang dahil sa pag-ibig.


Ako: Ses! Bakit naman? Pag-ibig2x na yan. Andami kayang mga isda sa dagat.


Lady: Madami nga pero hindi naman sa 'yo.


Ako: Alam mo, mas madaling hulihin ng mga nasa lambat na, yung mga nakatali na. Pareho sa manok, madali lang kunin ang manok pag ito'y nakatali pero pag ito'y hindi nakatali mahihirapan ka sa pagkuha nito.


Lady: Haha. Oo nga no. Bakit kaya ganun? Sabi nila ganoon talaga.


Ako: May nakapagsabi sa akin na madali daw hulihin ang mga nakatali kesa sa mga hindi kesa sa mga hindi kasi sila ay medyo hindi sanay na nag-iisa. (Ang ibig kong sabihin sa "nakatali" ay yung may bg/gf na o di kaya'y mga taong nagkaroon ng relasyon sa mahabang panahon) Yung mga nakatali 'pag nagkaroon ng di pagkakaunwaan sa boypren/girlpren o di kaya'y mahihiwalay nito, maghahanap daw ito ng pagbabalingan ng lungkot. Hindi ito sanay daw na maging mag-isa kasi nakatali nga sila. Kapag humina ang tali maghahanap sila ng ibang tatali sa kanila. Ewan pero iyon ang sabi nila.


Lady: Wow! Eksperto ka pala!
_______________________
Naks! Naniwala naman. Pero sa totoo lang hindi ko alam kung totoo iyan. May nakapagsbai lang sa akin niyan. Tapos, hindi ko naman alam iyon kasi wala pa nga eh! Siguro, aplikabol ito pero di siguro sa lahat. Posible din naman kasi na mas mahirap hulihin ang nakatali kasi may nagmamay-ari na.

2 investigated:

Jaydee said...

ahahahahahaha! ayos ah! ;)

kristian said...

@Jaydee:salamat. :D

Post a Comment

Please comment now or else...(nah..nothing's really gonna happen)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...