Wednesday, May 4, 2011

MKnmT: Matuto ng Wildlife with Sir Army

Hay naku! Ewan ko ba kung ano ang naisip ni Sir Army at bigla-bigla namang nalihis ang aming diskusyon sa Wildlife. Eh, hindi naman Biology class namin, Philosophy lang naman and PHILO 31 - Introduction to Logic to be exact. Nakalimutan ko na kung papaano siya napunta sa uspang ito. Basta, basta magbasa nalang kayo. Mahirap ding alalahanin yung mga naganap ha kung di mo nasulat sa handy dandy notebook. haha

Oo na, balik tayo sa original purpose ng post na 'to.

                                                                                                                                                              Kwentuhang Aso't Pusa
                                                                                                                                                             

Sir Army: Class, sino ba dito ang mahilig sa animals? Who wants to have dogs as pets?

(nagsitaasan sa kanilang mga kamay ang mga di inaantok na students, syempre di ko itinaas ang kamay ko kasi wala lang, di ko feel kahit na may pet dog din kami)

Sir Army: You know what class, I don't like dogs. I never liked dogs. They are man's best friend pero sila din ang most romantic animals.

(syempre malalaki na ang ngisi ng mga kalalakihan, alam niyo na kung bakit)

Sir Army: They are very romantic animals. They "DO" it everywhere. Kahit na sa daan, pupwesto na yan. Ang babastos nila. Buti pa yung cats.

Ako at isang babaeng classmate ko: Pero sir, maingay din naman sila eh.

Sir Army: Pero nagbibigay sila ng warning.

(Padadaliin ko na lang kasi di ko feel maglagay ng SFX dito although mas epektib pag may sound effects)

Sir Army: Yung babaeng cat ang unang nagma-meow. Alam niyo anong sabi niya? Sabi niya, "Now! Now! Now!" Alam niyo kung anong sagot ng lalakeng cat? Sabi ng lalake, "Morrow! Morrow! Morrow!"

---------------------
Hay naku. Eto muna post ko. Masyado akong stressed ngayon (weh?). Test pa naman namin ni Sir Army bukas. And ispeking of dat, hindi pa pala ako nakapag-aral. Oh yes.

2 investigated:

♥superjaid♥ said...

joke ang naging dating sa akin ng usapan ng mga pusa hehehe

kristian said...

@♥superjaid♥:basta si Sir Army titser mo, kahit na boring ang lesson ang nakaantok na ay di mo magagawang matulog kasi aabangan mo ang mga kakornihan niya. haha

Post a Comment

Please comment now or else...(nah..nothing's really gonna happen)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...