Sunday, May 8, 2011

Imong Mama!

Ang titulo ay ang Bisaya sa katagang "Iyong Mama!" o "Mama mo!" Ito ay hango sa isang expreksiyon na sikat dito sa Negros (at siguro sa Cebu at sa iba pang lugar na Bisaya ang pananalita). Ang tantya ko ay nagmula ito sa Ingles na ekspresiyon na "YO MAMA..." at mukhang sa gaming world ito nagsimula.

Halimbawa sa pagkakagamit:

Guy: Gwapa kaayu ka! (Ang ganda mo!)
Girl: Imong mama gwapa! (Nanay mo maganda!)

isa pa:

Guy1: Outing ta guys! (Outing tayo guys!)
Guy2: Imong mama outing!

ang panangga ko diyan ay eto:


Ako: Cute lage ng picture! (Cute yang picture na yan!)
Friend: Imong mama cute! (Nanay mo cute!)
A: Bitaw, mao ganeng cute pud ko. Palag? (Oo nga, kaya nga cute din ako. Oh ano? [*palag* ay isang paghahamon sa kausap])
F: Imong mama palag! (Nanay mo "di-ko-alam-tagalog-niyan"!)
A: Imong silingan! (Kapitbahay niyo!)
F: Imong yaan! (Tiyahin mo!)
A: Imong igsuon, imong iro, imrong iring, imong parente, imong katigulangan, imong sumusunod!!! (Kapatid mo, aso mo, pusa mo, kaanak mo, ninuno mo, mga anak ng anak mo!)


eh pa'no kung ganito na?

Person1: Wrong grammar man na! Stupid! (Wrong grammar yan uy! Stupid!)
Person2: IMONG MAMA STUPID! (Nanay mo estupida!)


____________
Diba nakakasakit ng damdamin yan? Yung isang away eh dinadamay mo pa ang ibang taong di naman kasali sa usapan. Sa huli kong haimbawa, ang alam ko eh medyo naging totohanan nga away ng dalwang taong iyan. Ang naaalala ko si Person 1 ay nagreply ng isang nosbleed na English statement kay Person 2 na hindi naman kilala ni Person2 ang nanay ni Person1 kaya wala siyang karapatang sabihin iyon.

Ang sa akin lang ay sana maisip lang ng mga tao ang paggamit sa ekspresiyong ito kung may masasaktan ba sila. Ang pag-usbong ng mga ekspresiyon ay hindi mapipigilan ng tao, ito ay bahagi sa pag-unlad ng isang wika. Ang sa akin lang ay sana gamitin ito ng tama. (May tama ba sa pagjojoke?) Ang sa akin lang ay isipin muna ang pagkakagamit sa salita at kug bakit nila ito ginagamit at hindi lang dahil sa sila ay nakikibagay sa uso ng panahon.

Ang sa akin lang ay sana bago nila isipin sambitin ang ekspresiyong ito ay maalala nila ang isang taong nagluwal sa kanila sa mundong kinalagyan natin ngayon.

Isang paaalala na di dapat balewalain ang mga nanay. Happy Mothers' Day sa lahat ng Nanay!

0 investigated:

Post a Comment

Please comment now or else...(nah..nothing's really gonna happen)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...