Friday, May 27, 2011

HAPPY BIRTHDAY at GOODBYE muna!

Kamakailan lang ay gumawa ako ng ambigrams para sa dalawang tao.









*drumrolls kuno*













ITO!!




"Verlyn May Therese" - 180° rotational ambigram
Ang pangalan niya ay Verlyn May Therese at in case di mo makuhang basahin yan dahil magulo, ang pangalan iyan din ang nasa 180 degree rotational ambigram. Isa siyang kaibigan ko nung hayskul at hanggang ngayon din pala na nag-debut party last May 22 pero ang bday ay talaga noong May 24. Isa lang masasabi ko sa debut niya -- SHOCKED AKO!!! Bakit? kasi naman ang kasunduan, kasali ako sa 18 treasures, pero pagdating dun nasali ako sa 18 roses pati na rin sa 18 wishes. haha. Okey lang naman, bday din naman niya kasi, worried lang ako nun kasi baka masira ko ang moment kasi parehong kaliwa paa ko. haha

AT ETO PA!

"hapi bday" - 180° rotational ambigram spinonymized (?) on the name "GOYO"
Yan din ay isang artwork kuno, ginawa ko para kay Goyo ng Goyo's Adventure. Magulo pala. Noong magkahiwalay ang letters, proud na proud ako, tapos nang pinagsama ko na, syet, gumawa pa ako. haha. Anyways, 180 degree rotational ambigram pa rin ang "HAPI BDAY", pero ang isepsyal(?) diyan ay kung anong character ang ginamit ko diyan ay pareho din sa "GOYO". Spinonym daw tawag diyan tulad nito at nito.

Ay basta, yan na yan. Nagpapic nalang ako wid greetings para makabawi kuno.

Show na show kaagad sa dimples. haha
Isang malaking LOL. Hindi ako sure kung sasabihin ko bang wala akong masyadong magawa sa bahay kaya gumawa ako ng ambigrams para sa dalwang taong kaka-bertday lang o idadahilan kong marami akong ginawa sa bahay kaya hindi masyadong maganda ang ginawa ko para sa kanila. haha.

Anyways, sabaw na sabaw na talaga utak ko ngayon tapos enrollment na next week at worried na worried ako sa pagpaenrol kasi wala pang pera. Magpa-promissory nalang ako pero Wednesday pa raw pwede. Sana lang hindi ako makoclosan ng subjects. Tapos, may fines pa akong aabalahin. Saan kaya napupunta ang fines namin?

So sabi ko nga, tatamarin ako ngayon (mula noon na!). Hindi na nga ako nakakapagbloghop kasi tinatamad nga at nagsasalita na si mudra ko na masyado daw akong nagkokomyuter kahit na walang pasok. So, bye2x muna, update ko kayo kung nanganganib na ako at duty pa ako. Magpapahinga muna ako kasi masyadong nagamit powers ko sa pagpapaalis kay Chedeng. lowls.

6 investigated:

ka bute said...

na-slow ako sa ambigram. hehe. di kaya ng vocabulary ko. ;)

Xtian said...

@ka bute:nyaha. basta ang mga ambigrams yung word/phrase na pwedeng mabasa in two ways. pinakacommon na type nun ay any 180 degree rotational. example niyan ay ang "suns" na ganun pa rin basa kahit na baliktarin mo pa. yun o! haha

krn said...

woah! galing ah, ganun pala yun. asteeeeg :D hehe sana pag bday ko rin may ganyan din ako hahaha!

Xtian said...

@krn:salamat at naastigan (meh ganun bang word?haha) ka. cge ba basta ipaalam mo rin sa blog kung kelan bday mo. hehe

Kapitan Kamila said...

Happy birthday.. di ko na din pala nabati yun... niyahahha.. it's the thought that count naman noh.

tsaka... okay lang maging busy xa study.. importante naman yun talaga! :)

hahaha chalamats ng many xa pag follow muli xa nag-iixang kalokohan ng buhay ko...

Xtian said...

@Kapitan Kamila:oist, hindi ko birthday ha. haha. tamah! kaya nga malay ko baka maging magna pa ako. Charot! Magna-nine years. (wag po Lord. haha).

walang anuman, Kapitana. nyaha

Post a Comment

Please comment now or else...(nah..nothing's really gonna happen)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...