Tuesday, May 10, 2011

100 days nalang!

Simula na ng 100 DAYS!!!! Hay! Kainis naman kasi ngayon lang ako nakapagpost. Nagdrama siguro ang connection o baka site.

Anyways, nagsimula na pala yung show na "100 Days to Heaven" sa ABS-CBN. At syempre dahil kakasimula pa lang, inanbangan ko talaga. (Ang ibig sabihin ng "inabangan" dito ay "hindi muna iniligpit ang kalat sa hapag-kainan at di muna tinulungan si ate sa kusina." lol)

[Image Source]
Sa simula ng show, makikita na ang kasaysayan (syempre ano pa nga ba?) ni Anna Malastas at ng kanyang pagiging suplada. Mula pagkabata (as Xyriel Manabat) ay hindi na niya naramdaman ang pagmamahal ng isang magulang. Patay na raw kasi ang ina niya tapos yung ama niya ay sobra naman sa pagka-strict. Si Yaya siguro pwede na? Hindi. Nagnakaw kasi siya and all kaya pinalayas. Basta, basta, nabuntis si Anna (now as Shaina Magdayao) tapos hindi pinanagutan ng ama nito ang bata. Pumanaw si Strict Daddy with all the pangungumpisal at paghihingi ng tawad. Ayun, dun na nagsimula maging bato ang puso ni Anna.

Fast forward tayo. Masyado na itong mahaba kung pagsususnod-sunurin pa natin.

Ang mga sumusundo ay ilan sa aking mga theories kuno at mga insights na nakuha ko (at ng aking ate) mula sa programa:

1. (Sabi ni ate, nung kasisimula pa nung show) Baka hindi pa raw patay ang nanay ni Anna at baka ito raw si Ms. Gloria Romero (kasi parang walang konek yung nasa trailer). Yung unang teorya na ate lang ay nagkatotoo. Hindi pa patay si Mothe dear ni Anna nung 5 yrs old siya pero namatay din ito 1 yr before namatay si Daddy niya (as revealed in the show).

2. Ang yaman-yaman ng producers ng show.  Hindi ako sure kung producers ba tawag dun basta mayaman sila kung sinuman sila. Bakit ko nasai iyon? Medyo marami-rami din kasi ang kinuhang actors at actresses ng show tapos parang pang one time lang ang appearance nila. To name a few(?):  Lui Manansala (yung yaya na nagnakaw), Mark Gil, Shaina Magdayao, Felix Roco, Pokwang, Melai Cantiveros, Vice Ganda, Gloria Romero, Jason Abalos, Chinggoy Alonzo, Xian Lim, Sam Milby, Empress Schuck, Ron Morales, Noel Trinidad, etc. Dami din ha? Well, siguro mostly sa kanila ay babalikan yung characters kasi i-kokorek naman ni Anna yung pagkakamali niya.

3. Hindi rin typical ang show. Joke! Sarastic ako dun. Iba kasi inekspek ko. Inekspek ko na ang unang makikita ko sa show ay yung Anna na Connie Reyes na. Para kasing mas may drama kung sa pagtataray niya ay magfa-flashback bigla yung mga undesirable happenings sa buhay niya. Pero well, I think mas effective na ipakita yung childhood muna kes sa suggestion kong flashbacks. Mas magastos naman kasi suggestion ko. lol. Isa pa, natawa ako sa pangalan ng kompanya: The Toy Company. haha. 

4. Nasaan kaya ang nawawalang anak ni Anna? Mga ilang araw matapos iluwal ni Anna ang anak niya ay inutusan niya si Yaya Pokwang na ilayo ang bata sa kanya at ipaampon sa mabuting pamilya kasi di siya karapat-dapat na ina para dito. Ang hula ko lang dito ay hindi kaya si Sophia (Jodi Sta. Maria) ang nawawala niyang anak. Madalas naman kasi sa movies eh connected lang lahat ng pangyayari na parang destiny. 

5. Sino kaya ang salarin? Ang huling moments sa show ay nung mamatay si Anna sa pagsabog nung istinar na niya yung kotse niya at blablabla. Sa trailer, makikita natin na parang si Bobby (Domini Ochoa) ang pinapalabas na salarin dahil sa mga sinabi niya. Pero nung mapanood ko na ang show, may motibo siya pero parang di rin naman siya. Nung sinabi niya na "makakaganti din ako sa kanya" or parang ganun, minutes before sa pagsabog lang yun. Imposible naman siguro na ang planong iyon ay hindi pinag-isipan and speaking of pinag-isipan, yung idea ni Bobby of getting even with her just occure minutes before blablabla.

Isa pa parang koneskyon yung new driver na si Baldo (Ron Morales). Malamang ay langis yung naamoy ni Anna at hindi ang amoy ni Baldo (as what he said). Para ding may koneksyon yung sekretarya at si Baldo. Baka naman yung inoccent-looking na character ni Valerie C. ang may kinalaman. Ay basta, abangan nalang natin. Hindi pa naman ako binabayaran sa libreng advertisement na ito. 

______________________________
Ay basta, yun lang mga hula at kuha ko mula sa show. Tignan lang natin kung totoo ang no. 5 ko.

5 investigated:

KikomaxXx said...

ang nice nito promise :)

KikomaxXx said...

sure chong kunin mo lang tas gamitin mo yun.. kung aong gusto no dun hehhehe

kristian said...

@KikomaxXx:maramaming salamat tol sa banner. ita-try ko dito. hehe

=supergulaman= said...

kung may TV lng sana ako... ahahaha...aasa na nmn ba ako sa online streaming... ahahaha... :D

The Psalmist said...

Hi Kristian,

Thanks for showing your support to Peba and The Kablogs Journal, we are happy to tell you that your blog was linked to PEBA Site and posted on PEBA Facebook Wall

Thank You

Post a Comment

Please comment now or else...(nah..nothing's really gonna happen)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...