Monday, April 11, 2011

Mga Kwento ng mga Titser: Sir Jomy na naman



Eto na naman ako nagbabalik. May nakapaln talaga akong ipo-post ngayon pero medyo tinatamad pagod ako ngayon ay ito nalang ang ipo-post ko. Halaw na naman ang mga ito sa klase namin ni Sir Jomy kanina sa aming HIST 41. Syempre, halos lahat nito ay English. Charot.

-THE GOVERNMENT-
Sir Jomy: During the 19th century, what kind of government do we have, as termed by Gregorio Zaide (author ng isang aklat)?

Estudents: FRAILOCRACY, sir.

Sir Jomy: Yes...(ellipsis nalang kasi nakalimutan ko) government mostly controlled by the friars. How does it differ from DEMOCRACY?

Estudents:DEMOCRACY is a government BY the people, FOR the people and OF the people.

Sir  Jomy: Yes, it is a government BUY the people because today votes are being bought. POOR the people because the people are poor and OFF the people, ilayo na yong mga sagabal.

*Natawa ako sa joke na 'yon pero kung tutuusin ay may point din. Malala na talaga kalakaran sa pulitika dito sa bansa.

-oOo-

-STAGES OF LIFE-

Sir Jomy: Do you know, class, the 3 stages of life?

First, is what you call the Birth or the HATCHING stage, the marriage or the MATCHING STAGE ad what do you think is the last?

Estudents: Burial, sir.

Sir Jomy: Yes, burial or the DISPATCHING STAGE.

-oOo-

Hindi talaga ako mauumay dito sa class ni Sir Jomy. Lagi nalang may jokes pero medyo mabilis siya ha. Test na pala kami ngayong Miyerkules. Patay na naman 'to. Sana di mag-brownout mag-blackout pareha kagabi. Di tuloy ako nakapag-aral ng masyado.

Sige na. Matutulog muna ako (yun ay kung makakatulog ako). Alas tres kaya ng umaga ako nagising. Oh yes, the early worm gets to escape from the bird kasi eh. haha

4 investigated:

Kamila said...

Hehehe nice BUY the people POOR the people.. bagong insight yun sakin..at parang kilala ko si Zaide....

at oo effective mag aral sa madaling araw.

empi said...

uy... goodluck sa text :D

♥superjaid♥ said...

wow ang galing naman ng prof nyo..kapag ganyan ang professor di nakakasawang pasukan..=)

thank you for sharing..

kristian said...

@Kamila:baka nga. Si Zaide ay author ng maraming history books. Di malayong narinig mo na siya. Sa akin hindi kasi madalas nakakatulog ako while nag-aaral tapos ginigising lang nila ako dahil di daw ako nag-aaral. haha


@empi: salamat kuya. pero typo ba yan o joke na gawing 'x' yung 's'..haha

@♥superjaid♥:tama. parang na-eenganyo na tuloy akong malaman ang buhay ni Rizal. Charot. haha

Post a Comment

Please comment now or else...(nah..nothing's really gonna happen)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...