Monday, April 4, 2011

Hate ko ang Blue!

Wala lang. Bigla lang napasok sa isipan ko ang awit na iyan kahit na hindi naman talaga matatawag na "mani" yung Monday ko. Mas bagay pa ata ang "Blue Monday" na title pero naisip ko na di na lang yan ang gagamitin ko, para kasing nagamit ko na yan dito minsan.

Ang mga rason kung bakit matatawag itong Blue Monday ay ang mga sumusunod:

1. IDIOMATIC NA BLUE
Unang-una dahil sa medyo malungkot ang araw na 'to. Wala naman akong bad news na natanggap pero ewan ba't hindi ako masaya sa pagpasok ko kanina sa klase. Palibhasa kasi wala akong kakilala sa klaseng iyon. Masyadong mixed. Naguguluhan tuloy ako kung sa'n ako uupo. Ang pinili kong upuan ay iyon nalang matatawag na "kinakailangan sa oras ng pangangailangan." Yung upuan na mayroon kang masasandalan kung ika'y nabo-bored sa lecture ng titser. Sa aking upuan ay mayroong poste ta's nasa second row ito kaya okey na okey talaga.

Isa pa sa ikinalulungkot ko ay wala talagang ni isang kaluluwa na nagbalak na umupo katabi ko. Pina-upo na nga ang mga nasa likod sa harap at lahat ay wala talaga akong katabi, tanging may-sa-tagabulag na kaibigan at poste lang.

2. BLUE KASI OUTFIT KO
Haha. Ewan ba at ang bigla  kong nakitang suotin ay yung dark blue kong polo shirt. Ang mga ganito ay accidental lang kasi ako yung tipo ng tao na hindi nag-iisip kung ano ba ang susuotin unang kulay o style ang susuotin ko sa klase. Yung top ko ay dark blue na polo shirt, jeans ko rin ay obyosly blue din, medyo blue (kasi blue at white ang colors) din shoes ko, pati bag ko ay blue na blue at para naman maiba blue din ang panyo ko.

3. BLUE NA ANG LAHAT
Para  may twist din, blue din ang kulay ng "easyride" na sinakyan ko papunta sa school. Ang "easyride" nga pala ang tawag namin sa "jeep" dito. Hindi naman talaga siya jeep, mas maliit kasi dun pero medyo ganun. Basta! Isa pa, blue din lang naman ang nadala kong notebook...este...filler lang pala. Ang galing ko talaga. Ang nadala ko ay hindi pa bagong notebook. haha

4. BLUE NA RIN UTAK KO
Oops, wag sanang mangyari. Napakagaling kong estudyante. Hindi ko nakalimutang dalhin ang aking I.D., ang aking powerful na pencil case (na parang useless din kasi sa bulsa ko usually nilalagay ball pens ko), ang aking Print-out (dito nakalgay sked ko sa summer at isag patunay na enrolled na talaga ako), ang aking Sudoku book in case mabo-bored ako, ang aking handy-dandy scratch papers in case mabored ako ulit (dito ako nagdodrowing), at ang aking susi sa bahay in case gabihin ako. Ang galing ko no, pero sa school ko lang din napagtanto na nakalimutan ko palang magdala ng papel. Yung malinis na pad paper. Buti nalang hindi kailangan sa ngayon.

5. DAHIL BLUE DIN ANG MOON
Charot! Para namang blue moon ngayon. Wala lang. Pampagulo lang tong ikalima. haha

(Hay! Nakalimutan ko na ang dapat post ko ngayon ay tungkol sa aking kalungkutan ukol sa araw na ika-4 ng Abril.)

5 investigated:

Kamila said...

Ano ba yun! Wala man lang tumabi sayo! Kung klasmeyt mo ko tatabihan kita! hahahahahaha kunyari friendly lang ako! hhahaha.. pero hindi ka nga ma-blue!..ayaw mo? ayaw mo talaga?

The Psalmist said...

hehehe Blue Moon

Jaydee said...

"Isa pa sa ikinalulungkot ko ay wala talagang ni isang kaluluwa na nagbalak na umupo katabi ko."

OUCH! XD

Will said...

Blue pa naman ang favorite color ko. Blue moon ba sa labas? tingnan ko nga. hehe

kristian said...

@Kamila: Baka hindi rin ako mukhang friendly kaya ganun. haha. ayaw ko talaga kaya nga naging favorite ko. lol

@The Psalmist:ganun talaga..rare kasi ang mga ganitong pangyayari kaya blue moon..haha

@Jaydee:okey2x na ngayon kasi may katabi na ako. ako naman ang lumipat ng seat. Inayos kasi ng teacher namin yung chairs at sa seat ko parang poste na talag ang kaharap ko kaya lumipat nalang ako. :D

@Will: Actually, favorite ko ang blue. Nagkataon lang na kahapon ay medyo nakokornihan ako sa pagkakablue ng aking araw. haha

Post a Comment

Please comment now or else...(nah..nothing's really gonna happen)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...