Thursday, April 7, 2011

From the Shelf: "Alamat ng Gubat" ni Bob Ong






"Alamat ng Gubat"
ni Bob Ong

Galing dito
DATE & TIME FINISHED READING:
04-07-11; time range between 2:30-3:30 PM (GMT/UTC +8.00)

-Maiba naman tayo. Opo. Magtatagalog po ako ngayon kasi Tagalog po ang aklat na ito.

Una at unang-una sa lahat ito ang pinili kong basahin na aklat sa lahat ng mga nakita kong akda ni Bob Ong sa libraru kasi akala ko ay ang aklat na ito ang magbibigay sa akin ng liwanag kung saan nga ba nagmula ang aking apelyido. Joke! Syempre hindi no. haha

Hmm. Medyo naguluhan ako ng konti sa kwento. Tama, kinikritik (may ganun bang word?) ko ito. Medyo hindi ko rin naman kasi nagustuhan ang ending. Palibhasa di ko medyo naintindihan. Di ko pa rin kasi medyo nagets kung sinu-sino o kung anu-ano ang sinismbulo ng bawat karakter sa kwento. Ang alam ko sila ay may kaugnayan sa ating bansang 'Pinas.

Isa pa, medyo alam ko kung sino yang mga Buwaya at Leon. Ang di ko medyo magets ay kung sino iyong mga nagrebeldeng insekto, yung Aso, Kuneho, Pagong, Ulang, Manok, Maya, Daga, at iba pa. Mangyaring ako'y linawagan pa ng konti ukol sa kanilang role. Di po ako ganoon katalino sa mga ganito kay magcomment na ang may maibabahagi. Salamat!

MY RATING: 9 of 10 stars!

7 investigated:

YanaH said...

nabasa ko na yan..
kaso, nakalimutan ko na hahahaha
loser ko lang..
:P

www.lifes-a-twitch.com

RICO DE BUCO said...

KAHIT PA NANALO AKO NG LIBRO NI BOB ONG SA KONTES NI BINO, DI KO PA ETO NABABASA HAYAAN MO BALITAAN KITA PAG NABASA KO NA HEHEHE

Kamila said...

Gusto ko sana liwanagan ka pero nakalimutan ko na din kung anong laman nito.. pero ako nagustuhan ko.. ang ikli kase at isang upuan ko lang binasa toh.. hahahah nanghiram lang din ako sa katabi ko sa kalsrum

kristian said...

@Yanah:basahin mo ulit. lol. uie. na follow ko na blog mo.

@RICO DE BUCO: GALIT KA KUYA? AT NAKA-UPPERCASE LAHAT2X HA. HAHA. pag nabasa mo na 'to, linawagin mo utak ko. haha

@Kamila: kailangan lang siguro ng ilaw ate. ako rin isang upuan ko lang din to binasa at sa library pa. para akong baliw sa kakapigil tumawa kasi wala naman ako kakilala dun. haha

♥superjaid♥ said...

di ko pa nabasa yan pero maganda daw yan lalo na kasi kwela siya hehehe

ISTAMBAY said...

sa totoo lang, hindi ko din masyado naintidihan ang kwento nito... pero tama, sa tingin ko may kinalaman ito sa pangyayari sa ating bansa..

ayun lang.. hehehe

kristian said...

@♥superjaid♥: natola ako sa heart2x ng name mo kaya kinopya ko na lang. haha. anyway, maganda talaga mga akda ni bob ong kaya try mo rin sila basahin.

@ISTAMBAY: ako rin nga eh. kung hindi lang dahil sa may nabasa ako sa internet na may symbolism daw tong story na to di ko talaga mahuhulaan.

Post a Comment

Please comment now or else...(nah..nothing's really gonna happen)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...