Wednesday, April 13, 2011

Ako na ang Mayabang!

Alam mo yung feeling na parang gusto mong lamuni ka ng lupa? 'Yan ang naramdaman ko kanina. Pootek! Kala ko exaggeration lang yung ganitong expression, di pala. Pootek!

Bakit nga ba? Eh kasi, na-perfect ko lang naman ang unang test namin sa HIST 41, tapos inanunsyo pa ni Sir Jomy ang iskor ko. YOY? yung iba di naman niya inanunsyo eh. Di ko feel ang maging sikat ngayon ah lalo pa't wala akong masyadong kilala sa mga kaklase ko. Tapos kung may kakilala man ako, maliban sa sila'y mabibilang lang sa aking mga daliri ay ay ay layo pa nila. Wala akong pwedeng pagbubuntunan ng aking humble effect. Panay talaga ang pagyuko ko nung time na yon. Feel ko kasi parang nagba-blush ako.

Sa totoo lang, habang nag-aaral(?) ako ay di ko expected na perfect yung iskor. Palibhasa ay di naman talaga ako nag-aral (YABANG!). Pramis. Di ko kasi matatawag na pag-aaral yung konting pagbabasa lang sa notes at yung mala-cramming istayl pa. Istinatus ko pa sa aking peysbuk na di ako nakapag-aral kasi di nga naman talaga ako nag-aral. Panay pa nga laro ko nung "Word Challenge" na app sa facebook. Naiinis talaga ako kasi di ko makuha-kuha yung top 1 na iskor. haha.

At dahil nasimulan ko na ang pagyayabang, gagawin ko nalang na tuloy-tuloy para maging isang bagsakan na. Kakapalan ko na ang helmet ko. Ito ang mga bagay na aking maipagyayabang:

1. Marunong akong mag-Ingles, mag-Tagalog at mag-Bisaya. Di niyo rin naitatanong ay marunong din akong magsalita ng salitang SPANISH, PORTUGUESE, FRENCH, GREEK, LATIN, ITALIAN, HEBREW, ARABIC, at ALIBATA kahit na nakapikit pa ang aking sandaang mata. Chos! Actually, ginawa ko na nga. Kayo rin, sabayan niyo ako. Sabay-sabay nating sabihin ang salitang SPANISH, PORTUGUESE, FRENCH, GREEK, LATIN, ITALIAN, HEBREW, ARABIC, at ALIBATA. Oh diba. Ayos na! haha

2. Marunong din akong magbilang ng sa ibang linggwahe o diyalekto (maliban sa BISAYA, ENGLISH, at TAGALOG) tulad ng SPANISH, ARABIC, GREEK, FRENCH, JAPANESE, at higit sa lahat sa ASL (American Sign Language). Opcors bogus naman ito. Pero sa totoo kaya ay kaya ko talaga ko basta't may kopya lang. haha

3. Letche. Wala na pala akong maisip na maipagyabang. May ma-ipost lang. haha

Maiba tayo. Malayo na ba ang matatawag kung ang nilakad mo ay 900 steps?Opo, binilang ko talaga dahil masyadong boring na ang aking paglalakad at masyadong mainit ang lakaran mula sa unibersidad patungo sa Cang's (isang shopping center dito sa Dumaguete. Di naman yun ang pinakamalapit pero gusto ko lang pumunta doon dahil mag-iilang buwan na rin mula ng ma-open yun at pers taym ko yung kanina. Ganyan ako ka-kuripot. Sinubukan ko talaga kung gaano ba kalayo yun. Pootek! Layo pala pero di ko masyadong care ang distance, ang nakakainis ay ang init. As in sa pagka-super init ay bawat patak ng pawis ko ay natutuyo din. Charot. Oops. Marunong ka bang mag-Math? Yun palang 900 ay tayms 2 kasi bumalik ako sa school. haha.

Anyways, para namang walang masyadong bago dun. hehe. Di ko naman kasi punutahan yung food court. Mahirap na at malapit jan ang tentaciĆ³nes. Kainis na naman kasi walang English version ng Noli at ng El Fili doon kung kaya't ito nalang binili ko:




















Sori. Wala palang picture. Ang space na yon ay para talag sa picture. Nag-inarte ang cam ko kaya ganun. Ang binili ko pala ay isang pad paper (kailangan yun!), isang set ng filler notebooks, Sudoku Hard Round book, Pocket notebook at isang parang sketch pad na walang spring. Parang useless din ah, notebook at pad paper lang importante doon. Yung sudoku pampalipas-oras lang yon. Tapos, yung pocket notebook, dun ko isinusulat ang mga latest scoop ko sa mga celebrity. Yun mala-sketch pad naman ay para sa drafts ko. Kung di niyo naitatanong eh may hilig din ako sa sining. Minsan nga lang ang sining ko ay parang hindi matatawag na sining sa iba. Maybe I'll post one this week.

Sige na bye na. Parang nag-GM lang sa cellphone noh? haha. Wag niyo na basagin ang trip ko. Gusto ko lang magpost ulit. haha

10 investigated:

ISTAMBAY said...

ayos ang post mo parekoy.. kakatuwa ang 900 steps mo.. na try ko na maglakad ng napakalayo sa kakuriputan ko din.. yun nga lang hindi ko naman binilang ang step ko.. baka kasi magkamali ako eh simula na naman sa una hahaha...

ikaw na.. ikaw na ang matalino.. aba hindi ka pa nagaral nyan ha,, pano pa kaya pag nagaral ka na.. palitan mo na ang teacher mo sa unahan hehehe..

magandang araw sayo.. ipagpatuloy mo yan parekoy...

apir :)

kristian said...

@ISTAMBAY:haha. salamat at natuwa ka parekoy. nagawa ko na to nung HS freshman palang ako. nung time na yun ang mas kakatakot kasi wala talaga akong pera pauwi.

nagkataon lang siguro parekoy na halos lahat ng nasa test ay nasa notes ko rin. Tsaka, mas madali kong naalala lessons pag cramming. Yan ang advatange ng short-term memory. haha

maganding gabi sa yo. ipagpatuloy ang alin? ang paglalakad? haha

Kamila said...

Naloko mo ko sa number 1.. hehehe pero congrats perfect ka.. keep it up sa mga susunod pang quiz! hehehe mahal na mahal mo kase prof mo eh..yan tuloy pumeperfect ka!..

hahahah...

kristian said...

@Kamila: haha. salamat. Feel ko tuloy parang panandaliang ligaya lang ito sapagkat di ko pa nasimulang basahin ang Noli. haha

Ruth Darlene Dinoy said...

kristian, the best ka.. Hehe.. Keep it up.. Looking forward to more posts.. bilib kaayo kos imong love for SINING.. :)

kristian said...

@Ruth:haha. lewl. pero thanks ruth. BTW, SINING baya jud na as in ART, in case kaingon kag na typo ko..haha

♥superjaid♥ said...

naaliw naman ako dito hihihi 900steps x 2?gaano kayalayo kaya yun?

buti ka pa marunong sa sining ako hindi hehehe keep it up malay mo balang araw maging sikat na artist ka wag mo kaming kalimutan ah?=)

congrats pala dahil sa iyong pagtatop sa inyong quiz.

kristian said...

@♥superjaid♥:feel ko mali ata bilang ko. Sabi ng mga kaklase ko ay sobra daw. Pero bahala sila, yun talaga nabilang ko. Mas feel ko nga eh sobra pa diyan kasi nung naputol yung counting ko pagka 750 ata yun kaya bumalik sa pagcount sa 740..haha

Kung gaano kalayo di ko alam. Posible namang gawin yun pero nakalimutan ko kung pa'no. haha

Lol. As if ganoon ka over2x sa ganda art na sinasabi ko. Medyo may alam lang pero di talaga pang-international. di nga pang-regional, sa labas pa kaya. haha

Salamat. Sana sa susunod ay ganun pa rin makuha ko. hehe

Leah said...

Wow!! Ikaw na ang matalino. Hindi nag-aral pero naka perpek skur? Ano bang sikreto mo, baka pwede mong ishare? hehe..

Ay 900 steps? Hindi naman masyadong malayo yun eh.. Siguro nga, dahil sa init na hatid ng sikat ng araw, kaya ka medyo nainis. hehehe... I remember kasi, sa Treasures blog ko.. Meron akong "task" dun na dapat, everyday, makagawa ako ng 5000 steps.. (kaartehan yun sa diet).. eh everyday naman, nakakagawa ako ng around 3000 steps, okay naman. But naenjoy ko yun kasi hapon ko ginagawa, at around 5pm. So hindi na mainit ang sikat ng sun.

Ang kulit lang sa mga salitang Spanish, French, etc.. hehehe...Naloko mo ko dun ah. :)

Anyway, congratulations ulit sa pag top1 mo sa inyong exam. Keep it up!

My Tasty Treasures
Ako si LEAH
Everyday Letters

kristian said...

@Leah:secret? di na secret pagshinare ko na. lol. wala naman talaga kasing secret eh. haha

Astig yang naisip mo ate ah pero parang mas nakakapagod ang magbialng kesa sa maglakad.

Pero in fairness din, medyo totoo yung no.2. nagpa humble lang ko. haha

thanks. sana sa susunod (which is bukas) ay ganun din pero parang di rin. Magkasunod kasi yung exams ko bukas kaya mas cramming. haha

Salamat sa pagbisita. :)

Post a Comment

Please comment now or else...(nah..nothing's really gonna happen)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...