Saturday, April 16, 2011

Paumanhin

8 investigated
Paumanhin kung mayroon mang bumisiti sa bog ko at nagtaka kung bakit di kayo maka-view o maka-comment sa posts ko. Eto lang po ay dahil sa Under Construction po ang blog ko. charot. Para namang may naiba.

Isa pang paumanhin. Sana makita niyo kung asan nakalagay ang Post comment. Inaamin kong wala talaga akong kaalam-alam sa Javascript. C++ siguro,oo. Malayo pala ang dalawa. haha. Isa pa kung saka-sakling magustuhan ninyo at ako'y inyong papurihan, sasabihin ko na sa inyo kaagad na ang template na ginamit ko ngayon ay na-DL ko lamang sa isang site at di ko po ito gawa. Dahil di rin naman sa akin mula ang template, wag na rin kayong mangutya. Lol. Uy, kung mangkukutya kayo yung constructive naman para naman medyo buong-buo pa ang self-esteem ko.

Di bale nalang magpopost na ako ng medyo may halaga next next week. Next next week kasi pagninilayan ko muna ang aking mga kasalanan. Naks naman! Seryoso, laylow muna ako next week. Semana Santa naman eh. Bigyan naman natin ng panahon kahit isang linggo lang pero mas mabuti pa rin kung taun-taon. Babye muna. :D

Friday, April 15, 2011

Wala ng Pag-asa

0 investigated
(sa hapag-kainan, kumakain kami ng almusal...)

Sinabi ko sa nanay ko at sa ate ko (Kami lang tatlo kasi nasa ibang bansa sa Daddy) ang sabi sa amin ng aming HIST 41 titser na di lahat ng matataas na grado ng ating pambansang bayani na si Rizal ay ating ike-credit sa kanya. May sistema daw kasi doon sa Escuela Pia (translation: Charity School, school for boys...ang Ateneo noon na ngayon ay matatawag na school for rich people. haha) na tinatawag na Ratio something. Sa pamamaraang ito daw kasi ay kung makakakuha ng bagsak na grado ang estudyante ay responsibilidad pa raw ng guro na gawin ang lahat2x para makapasa ang estudyante. Maaari rin daw na isa ito sa dahilan kung kaya't LAHAT (tama, lahat!!!) ng grado na nakuha na Pepe sa buong pag-aaral niya sa Ateneo ng A.B ay Sobresaliente (trans: EXCELLENT!), ang pinakamataas na marka.

Pagkatapos ng pagkatapos kong magsalita nito ay nagsalita na rin sa Mother.

Nanay: Nak, napansin ko mababa pala grades mo sa iyong Engineering subjects.

Ako: Kebs. Tinignan mo pala Student Handbook ko sa kwarto?
(*Student Handbook- dito nakalagay grades namin)

Nanay: Oo, halos 2 point something lang ata grades mo.
(*2.0 ay passing grade sa aming Engineering students with 4.0 as highest, 1.0 as lowest, F as FAILED...)

Ako: Kebs. Aanhin ko ang malaking grado eh di naman ako magiging honor student?
(*3.25-3.49 ang dapat makuhang QPA para maging Class Honor, 3.5-4.0 for College Honor)

Nanay: Malay mo. Malay mo mabago na sistema sa skul niyo at pwede ka ng maging honor student?
(*nakakuha kasi ako ng F sa isa sa aming subjects nung 1st yr 2nd sem ko. Naging regular student ako uli kasi nag-summer class ako tapos ang nakakatuwa ay ang nakuha kong grade sa summer class na yon ay 3.0, malayong-malayo sa F..haha)

Ako: Adah. Malapit naman akong maging honor nung 1st yr kaso .01 nalang kulang. hehe.
(*nung 1st yr ako ang nakuha kong QPA ay 3.24545. Kainis no pero wala akong magagawa, di naman pwedeng i round off yun)

Nanay: Nak, baka special case yung sa 'yo.

Ako: Mi, kahit na marami tayong kakilala sa school ay wala tayong magagawa. Kung kailangang mabago ay kailangan pa nating kumuha ng abogado gaya na lang nung isang Law student na di makapasa kasi may 1.9 siya na grade.Kailangan ko pang i-prove sa korte kung gaano ka bobo ang titser naming iyon (yung nagbigay sa akin ng mahiwagang F), na di siya mapagkakatiwalaan bilang titser, na siguro ay nasa menopausal stage siya nung time na nagtuturo siya sa amin at kaya lagi siyang bugnutin kung magturo. Kailangang pang patunayan na teacher factor talag yon. Kailangan ko pa sigurong i-consider ang mga sumunod na students at kung marami din ba silang bagsak.

(*sa time ko ay halos lahat kami ay bagsak sa subject na yon. mabibilang lang ng isang grade 1 student sa kanyang maliliit na kamay ang mga mag-aaral na nakapasa. Ang isang seksyon nga nung Summer class ay hinahati kami sa dalawa pag-tests kasi punong-punon ang room ng 60+ students.)


Tsaka, malaking gastos din yon.

Nanay: Eh di kukuha tayo ng abogado. Nak, kahit na regalo mo na sa akin ang malalaki mong grado.
(Kung makapagsalita sa mother dear ay parang madali lang ha..haha)

Ako: Nay, wala namang dahilan kasi di ako nai-inspired. Sa susunod nalang nay, sa susunod kong course.
(nakangiti pa ang loko. :D)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Malaki na talaga ang pinagbago ko. Noon kasi ay masyadong positibo ang pananaw ko sa mundo kahit na minsan ay nagkanda-leche leche na ang buhay, kahit na may mga epal pa akong titser. Ngayon iba na. Hindi ko na feel ang magpursige. Noon, gustong-gusto kong makuha ang matamis na 4.0 pero ngayon di na masyado. Gusto ko pa rin naman ng 4.0 pero di na ako nagpupursige pang makuha iyon. Kahit na lahat pa ng marka kong makukuha sa mga susunod na taon ay 4.0, di pa rin ako kasi kwalipikadong maging honor student kasi may mantsa na ako ng F.

Alam kong may kasalanan din ako. Di ko dapat ibunton ang lahat sa aming guro. Dapat din kasi sa simula pa lang na nararamdaman na namin na medyo "what you see in the board is what she reads" ang sistema ni ma'am ay dapat nagreklamo na kami kaagad. Siguro nasolusyunan iyon at baka nagabago siya at posibleng pati grades namin. Pero lahat ng iyon ay di namin ginawa. Nagnap na ang dapat maganap. *sigh*

Noon ang aim ko ay 4.0 pero ngayon 2.0 nalang. Yun na ang lagi kong sinasabi tapos ng exam: ang "bahala na basta makapasa lang ako." :(

(ang kyut pala ng sad face pag naka-italics noh? haha)

Thursday, April 14, 2011

My subconscious is trying to tell me something

6 investigated
I don't really have plans on making a post today but something happened which moved to do otherwise.

I had this awful dream. I won't know discuss it anymore of how the story went. The only thing thing I felt strange about this dream is that I felt there is something my subconscious is telling me. I don't know why but this is perhaps the very first time that I felt this. By the time I woke up, I immediately had the feeling that i have to remember that dream. Even if I felt so weak after waking up and have to eat supper already, I managed myself to get my handy dandy notebook to write the last remnants of my memory of that dream. I did it faster for fear that I may lose it.

I don't know why this happened. I have never been this paranoid. There really is something my subconscious is trying to tell me. Oh crap! I wish the world of "Inception" is true.

I can't believe I'ms so paranoid. Please bear with me. I just felt the need to express this eerie feeling. I don't think I can concentrate for tomorrow's exam. Now I'm so sure my test tomorrow would be so epic and so shall be my answers.

Wednesday, April 13, 2011

Ako na ang Mayabang!

10 investigated
Alam mo yung feeling na parang gusto mong lamuni ka ng lupa? 'Yan ang naramdaman ko kanina. Pootek! Kala ko exaggeration lang yung ganitong expression, di pala. Pootek!

Bakit nga ba? Eh kasi, na-perfect ko lang naman ang unang test namin sa HIST 41, tapos inanunsyo pa ni Sir Jomy ang iskor ko. YOY? yung iba di naman niya inanunsyo eh. Di ko feel ang maging sikat ngayon ah lalo pa't wala akong masyadong kilala sa mga kaklase ko. Tapos kung may kakilala man ako, maliban sa sila'y mabibilang lang sa aking mga daliri ay ay ay layo pa nila. Wala akong pwedeng pagbubuntunan ng aking humble effect. Panay talaga ang pagyuko ko nung time na yon. Feel ko kasi parang nagba-blush ako.

Sa totoo lang, habang nag-aaral(?) ako ay di ko expected na perfect yung iskor. Palibhasa ay di naman talaga ako nag-aral (YABANG!). Pramis. Di ko kasi matatawag na pag-aaral yung konting pagbabasa lang sa notes at yung mala-cramming istayl pa. Istinatus ko pa sa aking peysbuk na di ako nakapag-aral kasi di nga naman talaga ako nag-aral. Panay pa nga laro ko nung "Word Challenge" na app sa facebook. Naiinis talaga ako kasi di ko makuha-kuha yung top 1 na iskor. haha.

At dahil nasimulan ko na ang pagyayabang, gagawin ko nalang na tuloy-tuloy para maging isang bagsakan na. Kakapalan ko na ang helmet ko. Ito ang mga bagay na aking maipagyayabang:

1. Marunong akong mag-Ingles, mag-Tagalog at mag-Bisaya. Di niyo rin naitatanong ay marunong din akong magsalita ng salitang SPANISH, PORTUGUESE, FRENCH, GREEK, LATIN, ITALIAN, HEBREW, ARABIC, at ALIBATA kahit na nakapikit pa ang aking sandaang mata. Chos! Actually, ginawa ko na nga. Kayo rin, sabayan niyo ako. Sabay-sabay nating sabihin ang salitang SPANISH, PORTUGUESE, FRENCH, GREEK, LATIN, ITALIAN, HEBREW, ARABIC, at ALIBATA. Oh diba. Ayos na! haha

2. Marunong din akong magbilang ng sa ibang linggwahe o diyalekto (maliban sa BISAYA, ENGLISH, at TAGALOG) tulad ng SPANISH, ARABIC, GREEK, FRENCH, JAPANESE, at higit sa lahat sa ASL (American Sign Language). Opcors bogus naman ito. Pero sa totoo kaya ay kaya ko talaga ko basta't may kopya lang. haha

3. Letche. Wala na pala akong maisip na maipagyabang. May ma-ipost lang. haha

Maiba tayo. Malayo na ba ang matatawag kung ang nilakad mo ay 900 steps?Opo, binilang ko talaga dahil masyadong boring na ang aking paglalakad at masyadong mainit ang lakaran mula sa unibersidad patungo sa Cang's (isang shopping center dito sa Dumaguete. Di naman yun ang pinakamalapit pero gusto ko lang pumunta doon dahil mag-iilang buwan na rin mula ng ma-open yun at pers taym ko yung kanina. Ganyan ako ka-kuripot. Sinubukan ko talaga kung gaano ba kalayo yun. Pootek! Layo pala pero di ko masyadong care ang distance, ang nakakainis ay ang init. As in sa pagka-super init ay bawat patak ng pawis ko ay natutuyo din. Charot. Oops. Marunong ka bang mag-Math? Yun palang 900 ay tayms 2 kasi bumalik ako sa school. haha.

Anyways, para namang walang masyadong bago dun. hehe. Di ko naman kasi punutahan yung food court. Mahirap na at malapit jan ang tentaciĆ³nes. Kainis na naman kasi walang English version ng Noli at ng El Fili doon kung kaya't ito nalang binili ko:




















Sori. Wala palang picture. Ang space na yon ay para talag sa picture. Nag-inarte ang cam ko kaya ganun. Ang binili ko pala ay isang pad paper (kailangan yun!), isang set ng filler notebooks, Sudoku Hard Round book, Pocket notebook at isang parang sketch pad na walang spring. Parang useless din ah, notebook at pad paper lang importante doon. Yung sudoku pampalipas-oras lang yon. Tapos, yung pocket notebook, dun ko isinusulat ang mga latest scoop ko sa mga celebrity. Yun mala-sketch pad naman ay para sa drafts ko. Kung di niyo naitatanong eh may hilig din ako sa sining. Minsan nga lang ang sining ko ay parang hindi matatawag na sining sa iba. Maybe I'll post one this week.

Sige na bye na. Parang nag-GM lang sa cellphone noh? haha. Wag niyo na basagin ang trip ko. Gusto ko lang magpost ulit. haha

Monday, April 11, 2011

Mga Kwento ng mga Titser: Sir Jomy na naman

4 investigated


Eto na naman ako nagbabalik. May nakapaln talaga akong ipo-post ngayon pero medyo tinatamad pagod ako ngayon ay ito nalang ang ipo-post ko. Halaw na naman ang mga ito sa klase namin ni Sir Jomy kanina sa aming HIST 41. Syempre, halos lahat nito ay English. Charot.

-THE GOVERNMENT-
Sir Jomy: During the 19th century, what kind of government do we have, as termed by Gregorio Zaide (author ng isang aklat)?

Estudents: FRAILOCRACY, sir.

Sir Jomy: Yes...(ellipsis nalang kasi nakalimutan ko) government mostly controlled by the friars. How does it differ from DEMOCRACY?

Estudents:DEMOCRACY is a government BY the people, FOR the people and OF the people.

Sir  Jomy: Yes, it is a government BUY the people because today votes are being bought. POOR the people because the people are poor and OFF the people, ilayo na yong mga sagabal.

*Natawa ako sa joke na 'yon pero kung tutuusin ay may point din. Malala na talaga kalakaran sa pulitika dito sa bansa.

-oOo-

-STAGES OF LIFE-

Sir Jomy: Do you know, class, the 3 stages of life?

First, is what you call the Birth or the HATCHING stage, the marriage or the MATCHING STAGE ad what do you think is the last?

Estudents: Burial, sir.

Sir Jomy: Yes, burial or the DISPATCHING STAGE.

-oOo-

Hindi talaga ako mauumay dito sa class ni Sir Jomy. Lagi nalang may jokes pero medyo mabilis siya ha. Test na pala kami ngayong Miyerkules. Patay na naman 'to. Sana di mag-brownout mag-blackout pareha kagabi. Di tuloy ako nakapag-aral ng masyado.

Sige na. Matutulog muna ako (yun ay kung makakatulog ako). Alas tres kaya ng umaga ako nagising. Oh yes, the early worm gets to escape from the bird kasi eh. haha

Saturday, April 9, 2011

From the Shelf: "Murder in the Charleston Manner" by Patricia Sprinkle

5 investigated

"Murder in the Charleston Manner"
by Patricia Sprinkle


Image source: [here]
DATE & TIME FINISHED READING:
04-09-11; time range between 2:00 PM (GMT/UTC +8.00)

-One of the books my sis purchased at Capitol Bookstore for Php 5.00! Woot2x!

[WARNING: SPOILER COMING!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!]

Anyway, this book took me a long time to finish it. At first, it's kind of boring. The first murder (why first? because there's a second!) added the thrill but it took me about twenty chapters to be really thrilled and be really encouraged to speed up my reading.

Also, this author kind of adapted Christie's style of writing. The scary(?) part of this book is that, as what is written in it's first pages, "nothing hurries...not even murder." The crimes are slow and are in series. But, detecting who the real culprit is and the one behind all the "accidents" turns out to be an easy task.

I'm not bluffing but my "deduction(?)" turned out to be correct. Determining who the murderer was, though, kind of confusing. Almost all of the characters are close to each other, not to mention that almost all of them had the opportunity, the motive, and imperfect alibis. Of course, at first everybody is suspected.  Basically, I suspected the one who is probably the most likely to be suspected. Then, I narrowed it down because that person was killed and it seemed to me that the most probable suspects are gonna die soon. I became careful and suspected then 2 persons, the one least likely to be suspected because of the least probable chance and the other least likely to be suspected because of his/her character.

[END OF SPOILER!!!!!!!!!!!!!!!!]

NUMBER OF PAGES: 247
NUMBER OF CHAPTERS: 28 with EPILOGUE

MY RATING: 9 of 10 stars!

Thursday, April 7, 2011

From the Shelf: "Alamat ng Gubat" ni Bob Ong

7 investigated





"Alamat ng Gubat"
ni Bob Ong

Galing dito
DATE & TIME FINISHED READING:
04-07-11; time range between 2:30-3:30 PM (GMT/UTC +8.00)

-Maiba naman tayo. Opo. Magtatagalog po ako ngayon kasi Tagalog po ang aklat na ito.

Una at unang-una sa lahat ito ang pinili kong basahin na aklat sa lahat ng mga nakita kong akda ni Bob Ong sa libraru kasi akala ko ay ang aklat na ito ang magbibigay sa akin ng liwanag kung saan nga ba nagmula ang aking apelyido. Joke! Syempre hindi no. haha

Hmm. Medyo naguluhan ako ng konti sa kwento. Tama, kinikritik (may ganun bang word?) ko ito. Medyo hindi ko rin naman kasi nagustuhan ang ending. Palibhasa di ko medyo naintindihan. Di ko pa rin kasi medyo nagets kung sinu-sino o kung anu-ano ang sinismbulo ng bawat karakter sa kwento. Ang alam ko sila ay may kaugnayan sa ating bansang 'Pinas.

Isa pa, medyo alam ko kung sino yang mga Buwaya at Leon. Ang di ko medyo magets ay kung sino iyong mga nagrebeldeng insekto, yung Aso, Kuneho, Pagong, Ulang, Manok, Maya, Daga, at iba pa. Mangyaring ako'y linawagan pa ng konti ukol sa kanilang role. Di po ako ganoon katalino sa mga ganito kay magcomment na ang may maibabahagi. Salamat!

MY RATING: 9 of 10 stars!

Wednesday, April 6, 2011

Mga Kwento ng mga Titser: Sir Army at Sir Jomy

3 investigated


Nakakatuwa 'tong third day of class namin kasi meron na naman akong mapopost dito sa blog tungkol sa mga kakornihan ng aming teachers. haha. Konting background lang, dalawa ang kinuha kong subjects (with 3 units each) this summer para na rin medyo gagaan load ko sa following sems. Ang klase ko 9AM-10:30AM ay Philosophy 31 (Introduction to Logic) kung saan ang teacher namin ay itatago (na naman? opo, na naman!) sa pangalang Sir Army (ang hirap namang gawan nga code name itong si sir) at pagakatapos ay may HIST 41 (Rizal's Life and Works) ako 10:30AM-12NN. Si Sir Jomy naman teacher namin diyan. Sa ibaba ay ilan lamang sa aking mga nasungkit este napakinggan este na jot down sa aking papel habang sila ay nagjojowk.


-KOMERSYAL SA BIBLIYA (galing sa PHILO 31 class)-

Sir Army: Did you know that there is a commercial of Coca-Cola in the Bible?

Students: (wala lang. tameme sa always).

Sir Army: You don't know where?

(konting dead air)

Sir Army: Class, Very Simple. HABAKKUK.
And Habakkuk pointed to the angel above him, "There's the blessed Coca-Cola beneath the rock".
But the angel said, "I'd rather go for a Pepsi. I found one in that direction." [Image from here]
*Hindi rin corny si Sir. Nakakagana pumasok sa class niya dahil sa mga gan'to.

-MAKA... (sa HIST 41 class ko)-
(Habang nagsasalita tungkol sa konting kasaysayan sa 'Pinas sa panahon ni Rizal, napunta siya topic ng pagkalagay ng apelyido ng mga Pinoy.)

Sir Jomy: Before the arrival of the Spaniards in the Philippines Filipinos do not have surname, just first names. But, it deemed to be disadvantage because it is likely that two or more people have the same first names. That is why the Spaniards introduced the idea of having surnames after their first ones so that there would be a proper identification.

Soon, the Spaniards gave the Filipinos surnames with a dictionary of names as a guide (Nakalimutan ko name nun basta Espnayol din yun). And so, many of the Filipinos until today still have these surnames that sounds very good.

But we also have surnames that are not. Macasilhig. Macalinog (in tagalog ay "Nakakalindol"). Macabaligote* (censored para sa mga bata. lol. in Tagalog yan ay "Nakakaputol ng toot este ng 'dong' ng lalake). (lakas na tawanan sa klase). Pero wag ka, yung isang student ko na yan ang apelyido ay kinoreksiyonan ako na niyan ukol sa pag-pronounce. It should not be "Makabalig-Ot*n" daw but "Makabalighauten." Yung parang German.

-IRONIC-
Sir Jommy:Isa pa. May co-teachers din ako noon. Sina Sir Patay, Buhian, at Calunod. Totoo 'to. May aksidente nangyari noon. Fortunately nakaligtas naman sina Sir Patay at Calunod. Si Sir Buhian lang hindi.

-TRUE PATRIOTS-
Sir Jommy: Sabi nila yun daw mga taong Espanyol na Espanyol at magandang pakinggan ang mga apeliydo ay sila daw yung mga Pinoy na open arms na tumanggap sa mga Espanyol. Yung paggalit na tumanggap sila yung mga pangit pakinggan. Sila ang matatawag na "True Patriots" kasi ipinaglaban nila ang 'Pinas. Kaya kayo, pati ako, na may jologs na apelyido ay wag kayong mahihiya kasi nasa dugo natin ng mga tunay na bayani.
Matignan nga sa class record kung sino yung medyo "iba" ang apelyido.
*medyo kinakabahan ako nun kasi apelyido ko nga naman ay synonymou sa "kaguluhan" sa Bisaya at "kagubatan" naman sa Tagalog. Buti nalang at na-miss niya name ko. Isa pa, di eto masyadong fnny pero I swear nung nagjojoke si sir nito ay tawa kami ng tawa.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sige na. Matutulog na ako. May pasok pa ang iyong lingkod bukas. :D

Tuesday, April 5, 2011

"Despicable Me" [2010]

5 investigated
"Despicable Me"
[2010]

Image from here.
DATE & TIME FINISHED WATCHING:
04-04-11; 9:08 PM (UTC/GMT + 8:00)

-Okay! As usual, I've already seen this film bu not fully. As usual (again), a lot of my friends are in craze with this movie. A friend of mine even said that she likes unicorn! I think that's some kind of the aftermath after watching this film.

"It's so fluffy [the unicorn], I'm gonna die!" I so love that line by the Agnes girl.

Also, a sequel of this would be great and I would surely watch it. After all, if there's a sequel I'm sure there will be promos in Happy Meals. I hope they would feature Gru's Minions because they're so adorable, I'm gonna die! haha

RATING: 10 of 10 stars!

Ako daw ang Champion (weh?)

4 investigated
Nakakatawa lang kasi parang ang araw ko ngayon ay nakatuon sa kulay na "berde" kasi kahapon napakabughaw ko na parang Hate ko Ang Blue! Pa'no ba naman, ang suot kong shirt kanina ay green at pati na rin panyo kong gamit. Buti nalang at hindi ko tinuloy-tuloy na pati bag, pants at sapatos at baga mapagkamalan pa akong isang Green Lantern na hindi nakapag-work out.Tsaka pati ang easyride, hulaan niyo kung anong kulay. Ano pa? Eh di luntian din. Hindi ko na siguro babanggitin na ang bagong filler (yung paarang notebook na makukuha galing sa binder notebook) na nakuha ko mula sa bag ay green. Lol. Sobra-sobra naman ang coincidences na nangyayari.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Oops. Maiba tayo. Balik tayo kung bakit ganyan ang title ko. Kaninang umaga kahit na alas-nuwebe pa ang class ko ay umalis na ako sa bahay bandang alas siyete y medya. Pag dating ko sa siyudad ay alas otso na kasi naman ako ay nakatira sa isang mundong malayo sa sibilisasyon ng mga mortal. Minabuti kong maging maaga para di ako maunahan sa mga Internet Cafe kasi biglang nagdrama yung Internet connection sa aming bahay at may email attachment na ise-send yung teacher namin para daw sa aming course outline. Na-disappointed ako kasi wala akong natanggap at nang tinignan ko ang aking relos ay 8:15 pa. Masyado naman atang maaga para pumasok kaya pumunta nalang ako sa aming college (sa Engineering) kasi baka makikita ko friends ko dun.

May nakita nga akong kaibigan at itatago natin siya sa pangalang Mr. No-Eyes at ito ang naging konbersasyon namin:

*Unang-una dapat ninyong malaman ang mga sumusunod para mas maintindihan ang aming pag-uusap:

Math 16
-Solid Mensuration. Ang subject na nagpabagsak sa aking pagkatao. Pre-requisite ito ng Math 21.


Math 21
-Integral Calculus, ito yung pre-requisite subject ng Math 22. Ibig sabihin, makaka-take ka lang ng Math 22 kung napasa mo o nakakuha ka ng 2.0 sa subject na ito.

Math 22
-Differential Equations, ito yung subject na nakuha ko last sem. Si Mr. No-Eyes ngayong summer lang niya mate-take kasi nag-retake siya sa Math 21.

ES 24
-Engineering Mechanics: Dynamics. Isa sa pre-requisite nito ay Math 21 kaya kailangan mo pa ring makuha ng pasado ang Math 21 bago 'to mate-take.

NOTE:May apat ding kurso na ino-offer sa College of Engineering and Design ng Silliman University. Eto ay ang BS Civil Engineering, BS Computer Engineering (ang kurso ko!!), BS Electrical Engineering at BS Mechanical Engineering (kurso ni Mr. No-Eyes).

*EDIT!!! Umandar ang spy moves ni Mr. No-Eyes at namulat ang kanyang mga mata at na-realize niya na siya pala ay hindi si Mr. No-Eyes kundi si Peter Parker. lol. Nagreklamo siya sa akin kung kaya't due to insistent(?) public(?) demand, babaguhin ko ang kanyang code name.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ANG PAG-UUSAP:

Ako: Uyy! Mr. Peter Parker!

Peter Parker: Tian. Pasado ka sa Math 22?

Ako: (with pahumble effect) Oo.

Peter Parker: Sa ES 24?

Ako: Oo.

Peter Parker: Sorry, I only talk to those who failed.

Ako: Ases! Nagdrama!

Peter Parker: Who are you again?

Ako: Magtigil ka nga. Feel ko nga ay itinaas (stretch) ni Ma'am ang grade ko kasi medyo malaki-laki din yung dapat kong makuhang iskor sa finals para makapasa. Medyo nagwonder nga ako kay Ms. Jingle kasi yung score niya ay lagpas sa dapata niyang makuha pero yung grade niya ay flat 2.0 din tulad ko. (2.0 pala passing namin with 4.0 as highest, 1.0 as lowest and below 1.0 is "F").

Peter Parker: Ahw, ganyan siguro talaga yan. Ako nga noong 2nd take ko sa Math 21. 5 points nalang ang dapat kung makuha para makapasa tapos alam kong may 20 points na ako sa Final Exam. Sure ao doon kasi tama daw yun pero flat 2.0 pa rin grade ko.

Ako: Siguro ganyan talaga si Ma'am. Nakaka-ewan.

Peter Parker: Teka, teka. Ikaw lang ang regular student sa mga kumuha ng Computer Engineering noh?

Ako: Oo, pero alam ko naman makakahabol pa yung iba. Kung pasado sila this summer, eh di marami na kami.

(Biglang dumating ang isang friend ko na si Mr. IstarWars na Comp Eng din ang kinuha).

Peter Parker: Uy, Mr. IstarWars, si Kristian nalang ang regular na student sa Comp Eng! (with matching tawa pa) Siya ang Champion sa Comp Eng, the only Survivor!

Mr. IstarWars: Ikaw na lang, tian? Sina MetroBoy at yung iba?

Ako: (pakunway humble na naman) Oo, ako nalang. Nahuli kasi sila sa Math 16.

Peter Parker: Ayaw mo pa niyan, tian? Pag-graduation na, ikaw lang ang magma-martsa. Tapos mangingiyak-ngiyak pa niyan si Mr. President-ng-SU kasi may nakapasa sa course niyo. Habang naglalakad kang naka-toga ay mayron pang confetti then after mo makatanggap ng dipoma, may fireworks!

Ako: Sira! Hindi pa yan masisiguro no. Third year pa tayo next school year tapos malay natin di tayo maka-graadweyt sa 2014 kasi matutupad and 2012 prophecy.

Peter Parker: (hindi talaga nagpaawat) Hindi. Yung pagalalkad mo sa gaduation day ay magiging special sa lahat kasi ikaw lang nag-iisa. Hahahaha! Ikaw kasi ang Champion! hahahaha


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Marami pang pinagsasabi si Peter Parker niyan pati si Mr.IstarWars pero nakalimutan ko na. Ano nga ba naman ang tintumbok ko?

Ang sa akin lang ay medyo nalulungkot ako sa ganitong joke. Sumasabay nalang ako sa kanila kasi okey pa naman mood ko nun. Ang hindi ko lang gusto ay ayoko talaga grumadweyt nang ako lang ang nag-iisa sa aming batch na Comp Eng. Feel ko masyado akong isolated.

Sa totoo lang, sa lahat ng mga Engineering students sa aming batch ay feel ko ang mga Comp Eng ang parang pinaka-isolated at medyo discrimnated din. Hindi naman nila sinasabi pero alam mo yung ganoon na alam mo pero nararamdaman mo (Empathy kumbaga! Chos!). Hindi na ako magsasabi kung sino pero may iba talaga sa amin, ang ilan sa mga regular students ay di naman umiiwas pero hindi sila medyo nakikipagsalita sa mga Comp Eng. Hindi ko yun magets. Dahil ba sa hindi sila regular students kaya ganoon? Ganoon lang ba talaga kababa ang kanilang tingin?

Ako, sa akin, okey lang. Hindi yung ginagawa nila. I mean, okey lang sa akin na medyo ma-OOP ako kasi marami akong pwedeng lapitan. Medyo pakalat-kalat kasi ako. Lagi kasi akong napupunta sa mga sections na "ME-block","CE-block" o "EE-block." Yung tipong kung sino ang kaklase mo sa sem ngayon ay halos sila na kaklase mo sa lahat ng subjects mo sa sem na yon. Kaya medyo marami-rami din ka-closan (o feeling close) ko sa ibang kurso.

Sana nga lang ay hindi magkatotoo yung sinabi ni Peter Parker na ako lang mag-isa ang gagradweyt sa aming kurso na regular. Alam ko naman na makakahabol pa yung iba kahit na alam kong tatlo lang ang alam kong malaki ang tsansang makahabol. Makakapasa pa naman sila this summer, alam ko yun. Yung iba, masakit mang aminin pero medyo mahihirapan silang makahabol. Iba na kasi sa third year. Halos major subjects na at mahirap ng isingit ang mga Math na subjects.

Kahit pa siguro apat lang kami na medyo malaki ang tsansang makagradweyt "on time" ay okey na lang yun sa akin. Mas okey na yun sa isa. Kahit pa ganoon din yung iba, ipinagdarasal ko pa rin sila na sana makahabol talaga sila. Hay, tsaka sana makapasa din ako at makagradweyt "on time." Mahirap din baka ako pa yung kinakanchaw nilang "Champion" eh babagsak pa ako.

Gusto mo bang manalo ng $25 ng walang kahirap-hirap?

0 investigated
Wala nang intro, kung blogger ka, OFW man o hindi at gusto mong manalo ng $25 sundan mo ito;

1.Magregister sa Tambayan ng Pinoy Bloggers

2.I-blog ang pa-contest na ito sa inyong pahina at siguruhing may link ang Tambayan sa inyong article

3.I-post ang link ng inyong article sa Gusto mo bang manalo ng $25? thread sa Tambayan.

4.Ayun! May isang entry na kayo sa pa-raffle ng Tambayan.

5.At para makasigurong nakasama ka sa pa-raffle, icheck lang po ang thread na ito, ia-update po namin ang unang post sa thread para sa listahan ng mga makakasali

Gusto nyo pa?!

6.Kapag lumagpas kayo ng 50 posts sa  Tambayan bago matapos ang pa-raffle na ito, magiging dalawa(2) ang entry nyo sa pa-raffle, ibig sabihin dalawa ang tsansa nyong manalo ng $25.

Tatanggap kami ng mga entries hanggang April 24, 8:00PM Manila Time, iraraffle ang mga entries gamit ang RANDOM.ORG sa mismo ding araw at iaannounce ang nag-iisang mananalo ng $25 sa susunod na araw. Kasabay nito ang pag-email namin sa blogger na nanalo.

Western Union lang po ang paraan namin para maipadala ang prize ng nanalo, Kung sakali mang manalo ang isang blogger na nasa ibang bansa, maaari po nyang ibigay ang contact information ng representative nya sa Pinas na tatanggap ng prize.

Isang entry lang po kada isang rehistradong myembro, magiging dalawa lamang ang inyong entry kung lumagpas kayo sa 50 post bago matapos ang pa-raffle

Sabi nga sa isang inuman "Salamat sa Sponsor!!!"

Monday, April 4, 2011

Hate ko ang Blue!

5 investigated
Wala lang. Bigla lang napasok sa isipan ko ang awit na iyan kahit na hindi naman talaga matatawag na "mani" yung Monday ko. Mas bagay pa ata ang "Blue Monday" na title pero naisip ko na di na lang yan ang gagamitin ko, para kasing nagamit ko na yan dito minsan.

Ang mga rason kung bakit matatawag itong Blue Monday ay ang mga sumusunod:

1. IDIOMATIC NA BLUE
Unang-una dahil sa medyo malungkot ang araw na 'to. Wala naman akong bad news na natanggap pero ewan ba't hindi ako masaya sa pagpasok ko kanina sa klase. Palibhasa kasi wala akong kakilala sa klaseng iyon. Masyadong mixed. Naguguluhan tuloy ako kung sa'n ako uupo. Ang pinili kong upuan ay iyon nalang matatawag na "kinakailangan sa oras ng pangangailangan." Yung upuan na mayroon kang masasandalan kung ika'y nabo-bored sa lecture ng titser. Sa aking upuan ay mayroong poste ta's nasa second row ito kaya okey na okey talaga.

Isa pa sa ikinalulungkot ko ay wala talagang ni isang kaluluwa na nagbalak na umupo katabi ko. Pina-upo na nga ang mga nasa likod sa harap at lahat ay wala talaga akong katabi, tanging may-sa-tagabulag na kaibigan at poste lang.

2. BLUE KASI OUTFIT KO
Haha. Ewan ba at ang bigla  kong nakitang suotin ay yung dark blue kong polo shirt. Ang mga ganito ay accidental lang kasi ako yung tipo ng tao na hindi nag-iisip kung ano ba ang susuotin unang kulay o style ang susuotin ko sa klase. Yung top ko ay dark blue na polo shirt, jeans ko rin ay obyosly blue din, medyo blue (kasi blue at white ang colors) din shoes ko, pati bag ko ay blue na blue at para naman maiba blue din ang panyo ko.

3. BLUE NA ANG LAHAT
Para  may twist din, blue din ang kulay ng "easyride" na sinakyan ko papunta sa school. Ang "easyride" nga pala ang tawag namin sa "jeep" dito. Hindi naman talaga siya jeep, mas maliit kasi dun pero medyo ganun. Basta! Isa pa, blue din lang naman ang nadala kong notebook...este...filler lang pala. Ang galing ko talaga. Ang nadala ko ay hindi pa bagong notebook. haha

4. BLUE NA RIN UTAK KO
Oops, wag sanang mangyari. Napakagaling kong estudyante. Hindi ko nakalimutang dalhin ang aking I.D., ang aking powerful na pencil case (na parang useless din kasi sa bulsa ko usually nilalagay ball pens ko), ang aking Print-out (dito nakalgay sked ko sa summer at isag patunay na enrolled na talaga ako), ang aking Sudoku book in case mabo-bored ako, ang aking handy-dandy scratch papers in case mabored ako ulit (dito ako nagdodrowing), at ang aking susi sa bahay in case gabihin ako. Ang galing ko no, pero sa school ko lang din napagtanto na nakalimutan ko palang magdala ng papel. Yung malinis na pad paper. Buti nalang hindi kailangan sa ngayon.

5. DAHIL BLUE DIN ANG MOON
Charot! Para namang blue moon ngayon. Wala lang. Pampagulo lang tong ikalima. haha

(Hay! Nakalimutan ko na ang dapat post ko ngayon ay tungkol sa aking kalungkutan ukol sa araw na ika-4 ng Abril.)

Sunday, April 3, 2011

Oops!

3 investigated
Di ko namalayan na medyo late na pala. Tama. Late na ang alas dies kasi may pasok pa ako bukas sa Summer Class. Oops! Haha. May feeling ako na male-late ako bukas kahit na opening pa lang yun bukas. Ta's di pa ako ready.prepared sa teachers. Baka raratratin nila ako ng tanong sa "kung ano ang masasabi ko tungkol sa subject" o "kung ano ba ang ginawa ko this summer". haha

Siyana. Matutulog na ako. Pootek! Di pa pala siguro. Bigla atang sumakit tiyan ko.

My Long Lost Brother

0 investigated
Today, after watching the trailer of the newest TV Show in ABS-CBN "Good Vibes" which features two half-brother, I felt that I have to post about my story too.

We're not! [image from here]
I don't know how we became brothers but I'm very sure that we do not share the same mother nor father. But still, my sister would call him her younger brother or "Dodong." Just as what I said a while ago, he is not really my brother. He is just some other guy brought forth into this world by some bitch. He was just given to us because the mother can't provide for him. Don't call me judgmental but I think that is really true -- a bitch gave birth to him.

I just found this guy kind of irritating and so demanding. Whenever he becomes hungry, he is so so very very noisy. I mean like here, he is so disturbing especially when I am studying. Also, he's such an attention-seeker. I really think that this kid does have an ADHD. Sometimes though he is so silent and makes lambing which then gives me the conclusion that he probably doesn't have ADHD but maybe a Bipolar Disorder aka the Manic-depressive disorder. That is one wherein most patients become aggressive some time and then suddenly they become the opposite.

Manic on the left, depressive on the right [Image from here]
One of the worst things that I really hate is when he dragged my slippers out from the doorway. Oh come on; he must be really envious even if those slippers are just fake Havaianas ones. I once told my mom to buy him slippers so that he won't be taking mine but it seems that nobody heard me.

Anyway, even if he is like that I still love this guy. After all, he's still 3 years old, going 4 this October probably (can't be sure what date though). I checked his facebook account once and "My! What a genius he is!" If what is said in there is true then he really must be one. Listed under the languages that he knew were Bisaya, Tagalog, English, American Sign Language, Braille, Morse Code, Japanese, Greek, Latin, Chinese, Jejemon and even Binary. However i do not believe it. He must be just bluffing. There is just one though in the list that I am very sure he speaks:





































DOG LANGUAGE.



















Haha. :D
By the way, here's his primary pic. Maybe you'd like to add him on facebook.


































His name is Potchie by the way. :)

Friday, April 1, 2011

It's April Fools' Day!

2 investigated
Whoah! What else? It's April Fool's Day! Nah, I did not really think of it not until this very moment I made this totally just-to-fill-up-my-blog post.

I just don't know why some of my friends played their parts in this prank day. Maybe they're just for the fun. Anyhow, below are just some of the pranks (via Facebook, the notable social network) I noticed this April Fools' day and the previous one's too:

1. IT'S MY BIRTHDAY!
-Probably the most common and the prank which people always do even if it's not April. Many of my Facebook friends would put on their birthdates as fake ones. In this case, I just found some who put it into April 1. That is why I hardly post onto birthday boys/girls into their walls greeting 'em a happy birthday because I certainly would have no idea whether their comment would be "Happy April Fools' Day!!!" or "Hey, you fell into my trap!" Oh jeez thank you. My greetings now become so expensive. I usually greet those who I know and to those I don;t, I'd usually just scroll down their pages and find out whether it's the truth or not.


2. MS/MR SINGLE IS NOW IN A RELATIONSHIP WITH AN ARTIST
-Oh well, I just found out that some joked about this thing. I just don't find this thing fit for a joke. Anyway, whoever said that love is a joke? I'm gonna crush him with my bare fists. (haha. I can barely do that). But yeah well, seriously, it's not fir for a joke. Just goodd thing that I found only one friend who did this prank. But hers was so obvious because in the feed it said that "Ms. [pls insert name] is engaged to Mr. [pls insert name of young actor]." Haha. I just laughed at it. I knew she's got a crush on that actor; I just can't imagine her making that prank. Now, I just wonder whether she really made that bogus account of that actor or not.

3.  CAMPUS COUPLE IS NOW OVER
-I was just about to type another one when I recently discovered another prank. This campus coupld mus have planned it well. Ms. HighSchool-mate made a status about "Mr.Elem-Classmate" leaving already. I think she fooled 5 people or so when I am supposed to be the next. Fortunately for me, I decided to check her wall first. I might see some quirky things out there. And oh yes I did. On her next post, she tagged people whom she fooled and said a loud "HAPPY APRIL FOOLS' DAY!" And oh yes again, I was right.

4. CAMPUS CRUSH IS NOW GAY
-He's not really the campus crush, or so I think. Many of his folks said he is and that is just what I put up because I can't think of any good code name at all. He was my classmate back in elementary and I never thought of him as gay. I just found out that he posted in Fb as status that "he loves being gay." Oh well, I knew it very well that it's just another prank. But it turned out that it is not. It is also not true. I pity this guy. Just another poor victim of nothing-to-do hackers. Somebody must have typed that because he commented on the post that he didn't and then came following his rants. I just don't get why hackers do this stuff. Hmm. We don't know maybe I'm gonna do that too. Oh no, not the post as status thing; the hacking thing remember?

5. ?
I can't remember any and I haven't found another yet. I hope the next time I'll be posting about my own pranks (wherein most were ineffective at all). haha

"Up" [2009]

0 investigated
"Up"
[2009]
Image from here
DATE & TIME FINISHED WATCHING:
04-01-11; 9:33 PM (UTC/GMT + 8:00)

-Up, up here we go! Well, I've been hearing of my friends talking about of how awesome this movie is. One even kept on "bugging" and told me to watch this because it so awesome. Also, many of my friends here in the net posted stuffs about Russel, the cute wilderness explorer. Some made his pic as their profile pictures. I've even seen one cosplaying Russel. (Are cartoons or "non-animes" to be linked with this term?)

Anyway, they were right all along. When I had a copy of this, I knew so well that my freakingly stupid acrophobia would be triggered again. BTW, if you don't know what that is, that is the fear of heights. In my case, I do not just fear heights, but also tall buildings, people attempting suicide from billboards and the like. That just freaks the hell out of me. Well, not really. I do not curl up into fear. This thing just give me bumps.

[SPOILER!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!]
Anyway (again) while I was watching this film, I felt the cool air brushing my skin as I see Russel, Grandpa Carl, and the others fight their way back "home" (yes not the house).

Nevertheless, I still like this film. I just don't think I can do those stuffs just like what Russel and Grandpa did in the film. I just wonder, is it really possible to float the house with all those helium balloons? But, I can't argue anymore; I know little of these stuffs.

RATING: 9.5 of 10 stars!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...