Tuesday, March 22, 2011

Sa Muling Pagkikita

Hahay. Na-engganyo tuloy akong mag post tungkol sa pagpapaalam sa blogosphere dahil sa post na ito: (Pramis, Babalik Ako) ng isa sa mga bloggers.

Oh ayan. magpapaalam na ako ng maayos bago pa may dumanak na dugo (wag naman sana.). Masyado akong busy ngayon kahit na ako ay nasa ikalawang taon pa lang sa kolehiyo. Ta's masyado pang magulo utak ko dahil mukhang babagsak na naman ako (at parang sa 4 na "medyo-major" subjects pa). Putek!

Tapos na nga ang pasok pero di pa rin namin iyon maramdaman. Kasi naman may proyekto pa kaming tinatapos (na di matapos-tapos at di masimulan-mulan. haha). Hindi rin naman madali yung pinapagawa sa amin ni Sir. Pinapagawan kami ng isang program (as in computer program) na mag-so-solve ng isang (o higit pa sa isa) na math problem. Tsaka, mind you choosy si Sir ah. Ayaw niya yung simpleng problem lang. Gusto niya yung nosebleed na problems. Pak! Ang resulta? Eh di nosebleed din kami.

Hindi pa rin talaga kami nakakasimula. Ang mas nakakakilabot pa diyan ay ngayon Marso 30 ang deadline. Dead nga kami. Ang tingin ko pa eh mukhang mataas ang tingin at ekspektasyons niya sa amin dahil dalawa sa aming grupo ay Computer Engineering studes (at isa ako dun. patay!) tsaka may nauna ng grupo na nagpresent ng kanilang project ng maaga at ang project nila ay napaka-naning (short for naningkamot, bisaya ng pinaghirapan o naghihirap). Hay. Bogs talaga kami dito.

So sa mga tao diyan na wiling tumulong na may kaalaman sa Microsoft Visual C++ na software, ako ay hindi mag-aatubiling tanggapin ang tulong. Please, parang awa niyo na. Kung may alam kayo nito lalo na sa pagso-solve ng "systems of equations using matrix", mag-comment lang. Hindi ko pa rin mabuo-buo ang aming source code.

Oh yah. Paalam na. At gaya ng sabi ni Son Goku sa tagalog dub ng Dragon Ball Z, "sa muling pagkikita, paalam!"

Parang ganito din ako. [image from here]


P.S. Kung may magco-comment at saka-sakaling may anghel na tutulong, mababasa ko pa rin kahit na mawawala ako ng matagal sa blogosphere.

2 investigated:

poot said...

Oh my gawd! Ikaw babagsak? No no no. Pilitin mo kayang gawin yung nosebleed na project na yan. Anyway, I assume tapos na yan kasi sa March 30 na ang deadline, diba?

kristian said...

Natapos na nga..Hindi ko rin inexpect na maaga kami matatapos. Last Thursday ata kami natapos. Nakakainis lang kasi kala namin present yung teacher namin last Friday at balak pa naming ipasa at mag-report na sa project namin. Wala pala siya at nagbakasyon lang. Gusto sana naming last week magpass;busy na kasi this week at enrollment na for summer class. Pero buti nga lang tapos na. Sana oks lang grade namin.

Post a Comment

Please comment now or else...(nah..nothing's really gonna happen)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...