Thursday, March 3, 2011

Mga Kwento ng mga Titser: Sir Iggy




Sa wakas, nakapagpost na ako ulit. Medyo magaan-gaan na pakiramdam ko ngayon. Ang post ngayon ag isang compilation sa mga kalokohang kwento ng isa sa aming guro na aking itatago sa pangalang Sir Iggy. Itataglish ko nalang pala para mas maintindihan.

-Exercise-
Ang leksyon namin ay tungkol sa Energy at Work.
Sir Iggy: Work is the product of Force and Distance. Therefore, if the object is not moved there is no work kay zero man ag distance.
Estudents: (tatango-tango lang)
Sir Iggy: (nagdedemo ng pagtutulak sa whiteboard na nakadikit sa pader) Class, am I doing work? I am pushing the board but the board is not moving. So hindi ito work. Anong tawag dito (dumada moves naman ng kanyang jokes)?
Ako: Exercise, sir? hahaha
Sir Iggy: No, it is something you do that has no effect.
Imaginary Student: Ineffective exercise?
Sir Iggy: No. Tawag dun ay effort. Tulad sa test, kung nagrerequest ang student na "Sir, pwede may points yung effort?" Walang points yun.
Imaginary Student: Sir, pwede naman ang ink ah. haha. Dapat may points din yun pero di mo binibigyan ng points. haha

-Effort ulit-
Si Iggy: Alam niyo ba yung effort kung ano?
(tahimik lang kami habang naglo-loading pa utak namin)
Sir Iggy: Dun naglalanding yung efflane. :D

-Load-
Sir Iggy: An example of an active force is a load. Eh, anong load ang hindi parin bumibigat kahit na dumadami pa?
Giselle at ako: LOAD SA CELLPHONE!!! :DD
Sir Iggy: Pero class, dapat ba talagang tawaging load iyon? Eh di ba tulad lang yun ng gasolina na parang pagkain ng sasakyan.
Kami: Tama kayo sir. Hindi nga dapat load tawag dun.
Sir Iggy: Hindi. Load parin yun. Load sa wallet. Load sa pocket. hahaha


Sayang nga lang kasi aapat na mababait na estudyante lamang kaming pumasok. Kasi naman siguro kami lang ding apat ang di masyadong busy. haha. Yan tuloy. Na-miss nila ang kakornihan ni Sir Iggy. haha


(NOTE: echos lang yang Imaginary Student. Yan yung tinatawag na pampagulo sa kwento. Wala talagang Imaginary Student na yan at lahat ng kanyang sinai ay di talaga naganap.)

2 investigated:

goyo said...

Korni na nga. lol

kristian said...

goyo: ito ang nakakapag-udyok sa mga estudyanteng pumasok. lol.

Post a Comment

Please comment now or else...(nah..nothing's really gonna happen)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...