Monday, February 14, 2011

Mahal Kita, Aking Kaibigan

Dahil sa nauso na rin ata ang mga post tungkol sa pag-ibig ay minabuti ko sumunod na rin. Sa ilalim ay isang tulang ginawa ko noong 2nd year high school pa lang ako. Ito ang kauna-unahang tula kong nagawa na Tagalog at may anim na saknong. Hindi ko talaga ito gustong i-post o ipakita nang muli sa mga kaibigan kasi parang di ko feel ang pagkakasulat ko dito.Isa pa, wala itong ensaktong sukat.

Bahala na nga. Basta maligayang araw ng mga puso sa nyong lahat! :D

Mahal Kita, Aking Kaibigan

Minsan sa aking paglalakad,
Isang panauhin sa aki'y tumambad.
Mga ngiti niya'y kaytamis
Sa aking isip, siya'y di maalis.

Sa kanya, ako'y bumati't nagpakilala
At ganoon na rin ang ginawa niya.
'Yon ang simula ng isang pagkakaibigan
Dulot sa akin ay labis na kaligayahan.

Naging malapit kami sa isa't isa
Hanggang sa kanya ako'y nahuhulog na.
Kaya't ako'y nalungkot nang siya'y aalis pala
Sa malayo lugar siya papunta.

Sa daan ay iniwan niya akong nag-iisa
Hinabol ko siya ay baka mapipigilan pa
Bago magpaalam nais ko sanang magtapat
Ng pag-ibig kong itong di nararapat.

Ako'y napahinto nang ma biglang bumusina
Agad siyang sumigaw at ako't itinulak niya
Iniligtas niya ako at siya'y nasagasaan
Upang ang buhay ko'y hindi mawakasan.

Siya'y inakap ko at kamay ko'y kanyang kinuha
At sa aking mga bisig siya'y napaluha
Sa mga huli niyang salitang aking pinakinggan:
"Mahal kita, aking kaibigan." :'c

Oo na. Masyadong mabilis ang kwento tapos pinatay ko pa ang babae. Nagmamadali lang naman ako sa paggawa niyan kasi kailangan mayroon i-recite sa harap ng klase. Muli, Happy Valentine's Day sa lahat (kasali na doon ang mga loveless like me. :c ) Paalala: iskedyuld p ito kasi may pasok pa po ako.

5 investigated:

ISTAMBAY said...

happy balentayms parekoy.. sa mga oras na ito eh nakatayo ka sa table kasi di ka nakasagot sa recitation hehehe.. joke lang..

enjoy ang date mamaya... :)

krn said...

isang makata ka pala.. hehe :) keep it up!

Happy hearts day to you! mabuhay ang mga single! cheers! haha

kristian said...

@ISTAMBAY: happy balentayns din parekoy..Hindi ah. Tanging pamilya at mga kaibigan ang ka-date ko. haha

@krn: happy hearts day din..hmm.. Oo, medyo makata nga. Ngayon ay hindi na masyado. Tamah! Mabuhay ang mga single! S.A.D. nga naman ngayon! :D

Xprosaic said...

naks! Pumopoem oh... hehehhehehe...

Dumaan at tumambay rito! hehehehhe

kristian said...

@Xprosiac: nakakahawa kasi ang Valentine's na yan. haha

Salamat sa pagdaan. :D

Post a Comment

Please comment now or else...(nah..nothing's really gonna happen)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...