Saturday, February 12, 2011

Bise

Sorry, I cannot hear you
I'm kinda bise.
K-kinda bise

K-kinda bise
Sorry, I cannot hear you, I'm kinda bise.
-"Telephone" (murdered version)

Oops! So gayness ah. haha. Peace, I have no thing for gays. Bigla lang itong napunta sa isip ko sa buong linggo. Bise-bisehan nga naman ang inyong lingkod kaya nung may biglang kumanta nito ay ito ang naalala ko. Yung k-kinda busy part. Yun lang ang makuha kong tandaan at kinailingan ko pa talagang i-google ang lyrics ng kantang ito para lang may panimula sa post. haha. Matagal-tagal din akong di nakapost kaya tumo-two-in-one ang post ko ngayon. Oops! hindi yang telephone na yan ang kwento. Eto...

-Eleksiyon-
Una sa lahat ay hindi po ako tumakbo sa Student Governement ng aming kolehiyo. Pangalawa, hindi rin po ako miyembro sa dating Student Government ng aming kolehiyo. Pangatalo, hindi rin po ako opisyal na miyembro ng COMELEC sa nasabing eleksiyon. Pang-apat, isa lang po akong hamak na mamboboto at tagatanggap ng bayad sa binoto. Joke! Wala pong vote-buying na nagaganap at kung meron man ay malalam ko ito. Wala silang takas sa aking mala-Odin na all-seeing eye at sa aking super-heightened hearing. haha.

Kahit na isa lang akong mamboboto ay medyo naste-stressed din ang inyong langkad. Kaibigan lang naman ako ng ilan sa mga kandidato at kaibigan din ako sa mga nasa COMELEC. Isa pa eh medyo nagiging espiya kunway ako sa ibang partido. Nalalaman ko kung ano ang mga da moves na kanilang ginagawa.

Minsan eh narinig ko ang kabilang partido na nagdidiskusyon ukol sa kanilang tsansang manalo. Sinusubukan nilang tumaktika sa kung saang kurso sila malakas. Sa mga CE (Civil Eng) ba, sa ME (Mechanical Eng) ba, sa EE (Electrical Eng) ba o sa Comp Eng (Computer Eng) ba. Alam nila na isa diyan ay kumpiyansa sila na sila ay panalo. Sa isang kurso naman ay siguradong sa iba papanig (sa kaibigan ko). Ang boto nila ay nakatay nalang sa mga ME at Comp Eng (kurso ko) kasi medyo kalat kami at hindi united o di pareho kung mag-isip.
Hindi ko na masyadong narinig pa ang mga sumunod.

Isa din sa mga tactics na ginawa ng kabila ay ang mangumbinse ng isa-isa. Yun ang aking pakiramdam. Minsan kasi ay nilapitan ako ng isa sa mga kandidato at tinanong kung may number ba daw ako ni Juana dela Cruz at ni Pedro at nina blablabla. Pinahiram ko na lang sa kanya ang cp ko at parang kinopya ata niya lahat. Parang may balak pa atang i-GM sila na iboto siya. Well, baka hindi nga. Masyado lang akong mapanghusga.

Pabilisin nating ang kwento. Ako nga pala ang 4th ever voter., Ballot N0. 004 nga naman ang sinulatan ko. Kasi naman kaklase namin ang COMELEC Chair at matapos ang aming 7-8AM na class ay nagsimula na kaagad. Noong gabing iyon ay nagbibilang na sila. Ako naman ay nag-eensayo para sa isang contest. Natapos nalang ang practice namin ay di parain sila natapos. Naawa tuloy ako sa mga martir na 5 COMELEC members na nagbibilang. Tinulungan ko nalang sila sa pag-tally. Tutal, hindi lang naman ako ang nagta-tally kaya ok lang. Medyo ume-11pm na nun kaya nagpaalam na ako sa kanila at umalis. Natakot ako nun kasi mukhang di mananalo ang mga bet ko. Laking tuwa ko na lang ng malaman ko na nanalo ang mga bet ko maliban sa isa. Okey na lang din kahit papaano ay okey pa rin sa akin ang nanalo.

-Inter College Chorale-
Hay bise nga talaga ako. Sumali pa ako sa Inter College Chorale Competition sa amin Unibersidad. Medyo may karanasan naman din ako sa pagkanta sa mga koro kaya okey lang sa akin. Ang takot ko lang eh baka ilagay nila ako sa Tenor. Isa pa naman sa mg Conductors namin ay nakasama ko sa aming Men's Glee Club. Second Tenor pa naman ang inyong lingkod dun. Baka dun din niya ako ilagay. Kung kaya't umi-imba moves ako at nagmakaawa, lumuhod sa aking kakilala na sa Bass voice nalang ako ilagay. At natupad din naman ang pag-iiyak. (Char lang po yang lumhod at umiyak ha). Ang kinatatakot ko lang nito eh hindi kami umaabot sa minimum members. Good luck sa amin.


(Sige na. Tatapusin ko na to at may meeting pa kami. Syet! Late na naman ako nito.)

0 investigated:

Post a Comment

Please comment now or else...(nah..nothing's really gonna happen)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...