Wednesday, January 19, 2011

Mga Hirit ni Michael (Taglish Version)

Mayroon akong kaibigan na itatago natin sa pangalang Michael Libosada. Pareho kami ng kinuhang kurso sa kolehiyo kung kaya't marami-rami na rin ng kanyang mga LOL na hirit ang aking naririnig. Yung tipong nagsasalita siya nang seryoso tapos hindi niya namamalayan na may MALAKING mali pala sa sinabi niya.

Ang nasa ilalim ay ilan lamang sa mga ito.

BABALA: Ang mga nasa sumusunod ay may temang maaaring hindi angkop sa mga batang manonood loading kung mag-isip. Patnubay ng magulang iyong sentido kumon ang kailangan. (Ilan ay inedit ko kuno kasi hindi ko masyadong maatandaan).


-NEW COMMANDMENTS-
Michael (nagsca-scan sa Bible, nagbabasa kunway ng mga parabulo at mga katulad)

Weng: (napansin ang ginagawa ni Michael) Hala, Mike pareha tayo ng topic [sa Rel subject].
Michael: Religion 22 na yung kinuha mo ngayon noh? Ahw oh NEW COMMANDMENTS kasi yan.
CLASSMATES: (isang walang humpay na tawanan at sila ay nag-HAHAHA^n where n=)
*Mike, nag-iimbento ka na naman ng bagong subject? New Testament + Ten Commandments (sa Old Testament)?


-LIMOTIL-
Kami nina Michael at Jojelyn ay nag-uusap sa University cafe hanggang dumating kami sa topic ng sakit sa tiyan hanggang nauwi sa pag-uusap ukol sa isang gamot. Yung Lomotil, gamot sa dyspepsia na laging ina-advertise sa telebisyon. Pero si Michael ay di sang-ayon sa aming pag-uusap. Hindi daw iyon Lomotil, kundi Limotil. Silang dalawa ay nanatiling nagtatalo ukol sa pangalan ng gamot pero ako ay walang mapanigan dahil maging ako ay hindi sigurado. Kahit na walang pumapanig ay nagpatuloy sila sa pagtatalo at makikita talaga na pareho silang sigurado sa kanilang alam. Hindi nagtagal at siguro ay naingayan o natatawa na yung babae na nasa table malapit sa amin ay siya na ang tumapos sa argumento. Bigla lang siayng lumigon sa aming direksyon at ang tanging sinabi ay "Lomotil."


And oh wait (hirap magtagalog) hindi pa tapos. Sinabi din pala ni Michael na ang Lomotil ay gamot sa dysmenorrhea sa halip na dyspepsia. *LOL Mike, kailan naging ang dysmenorrhea nang dahil sa pagkain?


-PANGITAIN- (ang pinaka-recent)
sa Chem Lec class...

Kristian (parang may narinig at biglang napatakip sa tenga)
Michael: Meron kang [pangitaing] nakikita?


HAHAHAHA!


P.S. Classmates and friends, feel free to tell your LOL testimonies about Michael. Peace Mike. :D

0 investigated:

Post a Comment

Please comment now or else...(nah..nothing's really gonna happen)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...