Saturday, December 25, 2010

Mikropono

Kasarap palang makahawak muli ng mikropono.

Matagal-tagal na rin akong hindi nakakahawak ulit ng mikropono. Noong hayskul pa ako ang ang kahuli-hulian kong paggamit nito. Pagdating ko ng kolehiyo, nakakahawak man ako ng mikropono ay boses sa pagsasalita lamang ang naririnig ng mga tao. Ngayon ay masaya ako dahil muli ay nakakanta ulit ako. Kagabi din ang kauna-unahang pagdu-duet namin ng aking kapatid. Kahit na sa pagpasok ko sa koro (dahil yun lang ang parte ko talaga, dahil hindi ko maabot ang matataas na notes sa verses), ay alam ko na medyo sintunado ako itinuloy ko na lang sapagkat hindi naman lahat ay nakakaalam niyon. Mas minaigi ko ang pagtutloy para hindi hindi magmukhang nagkamali ako sa pag-sesecond voice. Lame attempt lang talaga iyon kasi pag hindi ako nagse-second voice ay tila nao-overshadow ako ng boses nga king ate. Mas malakas din naman kasi ang bolyum niya kumpara sa akin. Pero ok na rin, kasi nakakanta ako muli, hindi bilang isang choir member kundi bilang isang nagkakanta sa Offertory Part ng aming pagsisimba.

Masaya ako dahil sa wakas nakapag-alay ako sa Kanya. Hindi man gaanong kagandahan pero alam kong masaya Siya sapagkat masaya kaming nag-alay ng awit sa kanya. Masaya ako dahil na-apply ng aking ate ang aking mga itinuro sa kanya kahit na ako na kanyang coach ay nakalimot sa mga itinuro nito.

Masaya ako dahil muli akong nakahawak ng mikropono. :)

0 investigated:

Post a Comment

Please comment now or else...(nah..nothing's really gonna happen)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...