Tuesday, December 28, 2010

Optqosefu!

Naman oo! Inspiradong-inspirado ako ngayon. Ewan ko ba. Crush ko kasi siya dati. Siguro magpakahanggan ngayon pa rin. Pwede ba iyon? haha. Basta sa dalawang linggong bakasyon ngayon ay naganahan talaga akong mag-isip kung ano ang gagawain ko para sa kanyang kaarawan niya kahit na di hamak eh malayong-malayo pa ito. Noon ay gumawa ako ng isang 180 degree rotational ambigram ng kanyang pangalan.

Ang isang 180 degree rotational ambigram pala ay isang sining o disenyo ng mga salita o ng mga salita na nababasa bilang ang kaparehong salita o ibang salita ngunit sa ibang pananaw, direksyon, blablabla [hirap mag-Tagaog mehn!]. Halimbawa nito ay ang salitang "suns" sa Ingles na kung iyong iikot ng 180 degrees ay "suns" pa rin ang basa.

Anyway, balik tayo sa topic. Inspirado talaga ako kaya nakaisip kaagad ako kahapon kung anong ambigram ang gagawin ko para sa kanya. Kung hindi lang talaga ako pagod kahapon ay kahapon ko na ito natapos. Subalit, mas okey na rin kasi mas inspirado ako ngayon. Mas madali ko natapos ito kahit na MS Paint lang gamit ko. Sira naman kasi yung Adobe PS namin. Kahit na alam kong pwede na yung ginawa eh parang nag-isip pa talaga ako kung ano ang pwede kong idagdag. Salamat sa pagod ko at napahinto ako.

Isa pa pala. Medyo nasira lang ang inspirasyon ko kasi yung kapatid kong nakatatandang babae ay makulit. Lagi niyang tinatanong kung ano ba ang ginagawa ko. Ayoko namang makita niya yung ginagawa ko no tsaka baka tuksuhin pa ako niyon. Kilala pa naman ito dahil sa facebook. Kaya kung malapit si ate sa laptop eh minabuti kung i-zoom in at i-zoom out ng todo-todo para hindi niya makita ang pangalan.

Hahai. Ang saya ko ngayon kahit na hindi pa niya ako pino-poke back. Sa ngayon ay nag-iisip pa rin ako kung anong kalokohan naman ang ireregalo ko sa kanya. Noong unang beses na nag-attempt ako ng prank gift sa kanya eh nag-backfire sa akin. Ako ba naman ang tinawanan kasi halatang-halata daw at hindi mukhang prank gift ang ginawa ko.

Hahai. Ilang beses na ba ako nag-"Hahai"? haha. Mukhang napahaba ata ang post ko. At dito nagtatapos ang aking post. Sana lang hindi rin dito magtatapos ang inspirasyon ko. Yikes! :DD

Sana mag-comment back at i-poke back mo na ako, "Liza" (Codename lang po iyan).

*Minabuti ko na lang din na itago ang pamagat ng post na ito sa paraang alam ko kung saka-sakaling mabasa niya ito. Malaki naman kasi ang posibilidad na mabuksan nya ang blog ko at malaki din ang posibilidad na babasahin niya ang post na ito kung ito ay nakapamagat na "Inspirado." Tiyak din na kung mababasa niya ito ay malalaman niya na siya ang aking tinutukoy. Patay kung ganoon. haha

0 investigated:

Post a Comment

Please comment now or else...(nah..nothing's really gonna happen)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...