Saturday, December 18, 2010

Espiya


'Yan ang aking status kagabi sa facebook at ito ang kwento sa likod niyan.

Mahirap pala talaga ang maging espiya. Akala ko ay isa lang itong napakadaling gawain. Mahilig akong magbasa ng mga aklat ukol sa mga misteryo at pati na ang anime na pinamagatang "Meitantei Conan" sa Japan o "Case Closed" sa Amerika o mas tanyag sa "Detective Conan" dito sa 'Pinas ngunit hindi ko lubos akalain na ako mismo ay malalgay sa isang posisyon kung saan ako ay maging isang espiya. Hindi ko naisip na ito ay mas mahirap pala kaysa sa mga nakikita ko sa telebisyon at sa mga nababasa ko sa mga aklat. Ito ay kaaikibat palang responsibilidad. Ayoko ng magpaligoy-ligoy pa at tatapusin ko na ito. Introduksyon lang po ito kaya simulan na ang pagkabagot.

--------------------------------------------START OF STORY--------------------------------------------

Mayroon akong isang babaeng kaibigan. Itatago natin sa pangalang Lara. Medyo malapit kami sa isa't isa dahil naging kaklase ko siya mula elementarya (maliban nalang sa ika-6 na baitang), tapos naging schoolmates kami sa unang taon ko sa hayskul at ngayon kaklase ulit kami sa kolehiyo. Pero, anh pagkakaibigang ito hindi umaabot sa punto na pwede kaming tawaging mag-bespren. Kung inaakala ninyong tungkol sa pag-ibig ang kwentong ito ay marahil tama kayo pero hindi ito tungkol sa aming dalawa. Ito ay tungkol sa kanya.

Marahil ay ako lang ang naging kaklase niya sa kolehiyo na naging kaklase di niya sa elementarya ay ako naisipan niyang isa sa kanyang tinatakbuhan ng ilan sa kanyang problema. Marahil ay naisip niyang ako ay mapagkakatiwalaan dahil minsan ko na rin siyang nabahagian ng ilan sa aking mga suliranin at alam niyang medyo kilala ko ang kanyang pagkatao mula pagkabata. Ilan sa problema kanyang dinudulog sa akin ay ang tungkol sa kanyang kasintahan/dating kasintahan na siyang pangalan ay itatago pa rin natin at ito ay sa ngalang Ren. (Minabuti ko na lamang na ikubli ang kani-kanilang mga pangalan dahil mukhang masyado ko nang nabulabog ang kanilang pribadong buhay).

Mabait naman si Ren. Iyon ang aking pagkakaalam. Lagi na siyang ikinukuwent sa akin ni Lara noong hindi pa naging "sila." Hindi matagal para sa isang lalaking tulad ko na malaman na si Lara ay may gusto kay Ren. Hindi naman gaanong kagwapuhan si Ren na yung matatawag na pinag-uusapan ng madla. Simple lang siya pero mayroon talaga isang bagay na magaling siya, isang talento na rare para sa isang lalake.

Unang taon pa lang kami sa kolehiyo noon ng nakilala ko si Ren at ang kanyang papel sa buhay ni Lara. Hindi man pinag-uusapan ay tila alam na ng lahat na may namamagitan sa kanila. Minsan ko na ring tinanong si Lara ngunit sabi lang niya "hindi pa pwede." Hindi na rin ako nagtaka sa ganoong sagot dahil medyo kilala ko na ang kanyang ina. Sa ikalawang taon namin sa kolehiyo ay ganoon parin ang nangyari. Pakiramdam ko lang noon ay nandun na sila sa puntong "special someone" na ang isa't isa pero wala pang opisyal na katawagan sa kanila.

Naging magkaklase kami ni Ren sa isang subject at dito nagsimula ang aking pag-eespiya. Hindi naman niya direktang sinabi sa akin ni Lara na gawin ko ang pag-eespiya ay tiyak ko pa rin na iyon ang nais niyang gawin ko ngunit ayaw lang niyang sabihin dahil hindi pa opisyal na "sila." May kaklase kami sa subject na iyon na kanyang pinagseselosan, si Ana (Ana kasi unknown siya, hindi ko alam name niya). Ito ay dahil nung minsan na nag-uusap sina Ren at Lara ay biglang sumulpot itong si Ana at kung makipag-usap daw ito kay Ren ay tila hindi niya ramdam na may namamagitan daw kina Lara at Ren at parang maysa-tagabulag si Lara dahil tila hindi siya nakikita ni Ana. Sa pag-uusap na iyon ay nakumpirma ko ang aking hinala. Sila na nga ngunit parang hindi pa. Sinabi ko naman kay Lara na wala lang ang babaeng Ana na iyon. Oo, parang may gusto nga ang Anang iyon kay Ren pero alam kong wala lang iyon kay Ren.

Sa ika-2 semester ng pagiging second year student ko sa kolehiyo ay naging magkaklase kami ni Lara sa halos lahat nga subjects ko, naging magkaklase din kami ni Ren sa ilan ngunit sa pagkakataong ito ay walang ni isang subject na magkaklase sina Lara at Ren. Kung kailan din mayroon klase si Lara sa ibang building ay sa iba naman ang kay Ren. Ngayon 2nd sem ko rin lang din nalaman na opisyal na palang naging sila. Matagal na pala, at ito ay nagsimula pala isang araw bago ang aking kaarawan! Kung kaya't hindi ko ito makalimutan.

Dahil na rin sa mahirap makahanap ng panahon upang ang magkasintahan ay magkita maliban nalang kung sila ay mag-seset ng date, tila lumalamig din ang kan'lang relasyon. Ilang araw ding umiiyak si Lara sa akin at sinasabi niyang lumalamig na nga si Ren sa kanya.
------------------------------------------TO BE CONTINUED--------------------------------------------


Sa puntong iyon ay hindi ko alam ko ano ang dapat kong gawin o ano ang nararapat na suhestiyon na aking ibbigay. Sa puntong ito din ngayon ay medyo pagod na ako sa pagta-type. Bukas ko na ito itutloy marahil dahil maging ako ay nababagot na sa aking ginagawa.

0 investigated:

Post a Comment

Please comment now or else...(nah..nothing's really gonna happen)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...