Monday, December 20, 2010

Espiya - 2

At ito ang pagtutuloy sa kwento nina Lara at Ren at ng aking pag-eespiya.

-----------------------------------------------CONTINUATION----------------------------------------------
Nang sinabi ni Lara ang tungkol sa kanyang nararamdamang panlalamig ni Ren ay hindi ko talaga alam kung ano ang nararapat na payo ang aking ibigay. Ang tangi ko nalang sinasabi sa kanya ay maaaring mali ang kanyang akala.

Ayoko nang magpaligoy-ligoy pa kaya't ifa-fast forward ko ang mga pangyayari. Dumating ang punto na sinabi sa akin ni Lara na nagkaroon sila ng usapan ni Ren. Sinabi daw ni Ren sa kanya na "Huwag muna" at ito raw ay hanggang makatapos silang dalawa sa pag-aaral sa kolehiyo. Hindi lang naman ang mga magulang ni Lara ang mahigpit, pati na rinang kay Ren. Tinannong ko si Lara kung okey lang ba sa kanya na sila ay cool-off kasi ito ay hindi isang magandang senyales sa isang relasyon. Para itong isang di tuluyan o di direktang paghihiwalayan. Mas mabuti pa ang break kasi malinaw at may closure kayo.

Minsan nung wala na kaming pasok ay naisipan namin ni Lara na mag-usap-usap muna upang kahit papaano ay magamit ang aming oras. Dalawa lang ang klase namin sa hapong iyon at doon lang sinabi ng aming mga guro na hindi na raw muna kami magkaklase, pang-aguinaldo kumbaga. Sa katagalan ng aming pag-uusap ay di namin namalayan na alas kwatro na pala sa hapon. Yun ang oras na may pasok si Ren. Alam namin nina Lara na exams nila sa araw na iyon kasi pareho kami ng titser kaya kami ay nagtaka ng hindi pagdating ni Ren. Tila ay wala itong balak na mag-take ng exam! Mga sampung minuto ang makalipas ay dumating din siya. Iyon ang pinakanakapagtataka sapagkat sina Lara at Ren ay hindi nagpapansinan ni hindi nga nila magawang makatitig sa isa't isa. Diretso lang ang tingin ni Ren patungo sa silid at si Lara naman ay sa akin nakatingin.

Gabing iyon, nung nag-comment ako sa kanyang status sa facebook ay tinanong niya ako kung pwede ko raw i-on ang aking chat. Hindi naman kasi ako nag-o-online sa chat para na rin makaiwas sa mga makukulit na kaklase laging nagtatanong assignment kahit na hindi naman liban sa klase. At sa pagcha-chat namin ay pinag-usapan namin ang nangyari kamakailan. Humantong din ito sa punto na pinaki-usapan ako ni Lara na pwede ko raw bang tanungin si Ren kung ano nga ba talaga ang estado nilang dalawa. Hindi ako nangako kay Lara dahil sadyang hindi ako magaling sa pagtupad nito. Sinabi ko lang sa kanya na ito ay aking susubukan.

Nahirapan akong makakuha ng tamang tiyempo sapagkat hindi kami ganoon ka close ni Ren kahit na magkagrupo kami sa isang subject at tsaka ang mga lalake sa aming kolehiyo ay halos walang pakialamanay sa mga relasyon-relasyon ng isa't isa basta alam nila, yun lang. Minsan ay may napadaan ata na maganda at seksing babae sa aming silid-aralan. Iyon ang aking assumption kasi bagamat ay malapit ako si pinto ay nakatuon ang aking pansin sa aming ginagawa.

Kaya nang sabihin niya sa akin na "bad yan tian no." ay dito ko nakuhang pwede ipasok ang topic. Hindi ko man nakuha ang sinabi niya ay ngumiti lang at dito nga ako nakahanap ng tiyempo.

Tinanong ko siya na "Di ba kayo pa rin ni Lara?" kahit na alam kong cool-off sila.

Sinagot lang niya ako na, "hindi ko alam, tian. Ewan ko sa kanya."

Hindi ko na matandaan at di ako sigurado kung ano ang kasunod kong itinanong sa kanya basta pagkakaintindi ko ay ito ang sinagot niya sa akin na "medyo malaya siya ngayon. na medyo napupuno siya kay Lara kasi selosa at pinag-iisipan siya nito na mayroon daw siyang iba kahit wala naman."

Muli ay di ko na matandaan kung paano namin natapos ang pag-uusap na iyon basta ang alam ko lang sa panahong iyon ay hindi ako sigurado kung dapat ko ba itong sabihin kay Lara. Dumating din ang punto na may sinabi ako kay Lara pero sinabi ko lang sa kanya na sinabi sa akin ni Ren na wala ito iba. Hindi ko na masyadong isinalaysay sa akin kung ano ang aming pinag-usapan. Hindi ko rin sinabi sa kanya na sinabi sa akin ni Ren na "hindi ito sigurado sa kanilag estado" at ang tungkol  sa pagiging "malaya" niya at "pagkakapuno" ni Ren kay Lara.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Dito ko napagtanto na mahirap nga pala talaga ang maging isang espiya. Kinakailangan nito ang pagkakaroon nga malinaw na pag-iisip, malawak na pag-unawa at matalas na memorya. Kailangan mong piliin ko dapat mo bang ilahad ang lahat-lahat ng iyong nalaman. Kailangan mo i-evaluate kung ano ang mga importanteng detalye at kung ano ang magiging epekto ng iyong nalaman sa taong nagbigay sa iyo ng impormasyon at sa taong pagbibigyan mo ng impormasyon.

Sa aking kaso ay pinili kong hindi ilahad ang lahat ng aking nalalaman kay Lara dahil sa ayaw kong saktan ang damdamin nito bilang isang kaibigan at nais ko nalang ding igalang ang pag-uusap namin ni Ren bilang isang lalake sa lalake. Bagamat sa mga kadahilanang iyon ay hindi pa rin ako sigurado sa aking desisyon. Sa ngayon ay kait mahirap ang maging espiya susbukan kung maging isa pa rin kahit na hindi ako pinakiusapan ni Lara. 

Susubukan kong maging espiya sa dalawa ngunit sa panahong ito ay sa aking sarili ko muna itatago ang aking mga nalalaman. Alam kong hindi ako magaling sa pagtupad nga pangako pero susubukan ko pa rin, kahit mahirap, kahit imposible, ang maging isang espiya.

0 investigated:

Post a Comment

Please comment now or else...(nah..nothing's really gonna happen)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...