Thursday, October 28, 2010

Walang Kasigurohan

Hahay..Heto ako ngayun nagtatagalog, malamang epekto sa pagbabasa ko kanina sa blog ni Jethro, "Mga Pangitain ni Jethro." Sa totoo lang hindi naman talaga ako ganoon ka interesado sa teleseryeng Imortal. Siguro ang paglitaw ng karakter ni Jethro o marahil ang blog niya ang nakapag-udyok sa akin.

Pero ang post ko ngayon ay hindi tungkol sa telerseryeng iyon. Wala ako mata-type tungkol dun maliban sa blog post na nabasa ko kanina dahil hindi naman ako masayadong nanood ng tv ngayon. Ito ay dahil sa nagbabasa ako ng isang ebook sa laptop ng aking nakatatandang kapatid. Marahil ay "lumala" na talaga ang aking pagkahilig sa mga aklat dahil nararamdaman kong nais ko talagang sundan ang kwentong iyon (ng aklat at hindi ng Imortal..haha). Ang binabasa ko pala ay tungkol sa mitolohiya sa Gresya at marahil sa Roma din. Kung may nagbabasa nito at kung ikaw man iyon at kung ikaw ay mahilig sa aklat, sigurado akong mayroon ka nang tinatawag na hunch kung ano ang aking tinutukoy. Pinamagatan ang buong serye na Camp Half-blood na maryoon ding parang sub-series--ang Percy Jackson and the Olympians (PJatO) at ang ika-2 ang Heroes of Olympus (HoO). Sa ngayon ay binabasa ko ang unang aklat sa HoO, and The Lost Hero.

Masyado na ata akong nadadala sa aklat dahil tila nakilimutan kong hindi pa pala ako nakapagpa-enrol para sa second sem. Marahil ay hindi ko ito kasalanan talaga kasi wala pa nga naman grades na ini-release ng aming guro. Siguro ay kasalanan ko rin dahil kahapon pala sa hapon ay nandun sa college namin ang yaong guro at nagpa-note lang ang aking mga kaklase, mula sa kanya, na nagsasabing sila ay nakapasa at maaari nilang makuha ang subject na pre-req iyon. Pwede pa naman daw na ma-enrol kahit hindi kumpleto ang mga grades sa mga subjects na kinuha last sem basta't may grades ka lang sa mga pre-req subjects o isang note kaya mula sa guro na ikaw ay pumasa. Sayang nga naman ang pagkakataong pinalampas ko dahil nagkataon pumunta ako sa school kanina at wala siya. Hindi makakarating ang aming guro sa araw na ito ayon sa schedule ng mga guro nakapaskil sa lahat(?) ng pintuan sa aming departments.

Marahil ay sayang iyong napalampas kong pagkakataon. Ngunit, regarding na sa araw na iyon ay marami akong inasikaso at kung babalik man ako sa hapon ng araw na iyon, siguro ay magkakasakit ako ngayon. PAGOD na PAGOD talaga ako kahapon. Akalain mong nilakad ko ang parang half-km halos pabalik-balik? hahaha..Hindi ninyo siguro masukat-akalaing magagawa ko iyon kung makikita ninyo kung gaano ako kapayat. Pero kung kilala ninyo ako, ahw, hindi na kayo magtataka sa isang taong nakapagtakbo ng 5km sa Milo Marathon.

Isa pa pala, parang nadismaya akong sa mga na-DL kong mga videos ngayon. Ito ay ang isa sa mga episodes ng Glee at ng Gate Keepers (isang anime). Parang hindi nila napunan ang aking ineekspek.

Ngayon, hindi pa rin ako sigurado kung maeenrol ba talaga ako bukas kasi hindi naman ako sigurado kung sa araw ay darating ba talaga ang aming guro. Nakakalungkot lang isipin na bukas, ang last day of enrollment (sigurado, hindi), ay yun rin ang araw na magpapaenrol ako. Ina-italicized ko ang mag for emphasis. 

Bukas ay hindi ko pa rin ako sigurado sa mangyayari. Ang aking kapalarang bukas ay walang kasigurohan.

P.S Sana ito lang ang pagkakataon na mahahawa ako ng isang sulat-Tagalog kasi mukhang mahahaba ang aking mga nata-type. BTW, nasabi ko na ba na isa ito sa aking mga katangian -- nahahawa ako kung ano ang istilo ng pagsusulat ng huli kong nabasa, maging ang persepsiyon ng isang karakter sa isang aklat. Oo, ganoon ako kabaliw. :D

0 investigated:

Post a Comment

Please comment now or else...(nah..nothing's really gonna happen)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...